Aljur gagawa ng pelikula kasama si Rhian

Totoo palang gagawa ng pelikula sa GMA Films si Aljur Abrenica at hindi lang gawa-gawa para mabura ang isyung hindi tinanggap ng aktor ang Hitman ni Cesar Montano dahil ayaw magkontrabida. Sa interview kay Bela Padilla para sa successful nitong pagsali sa Asian Supermodel at kung saan, inuwi ang friendship award at napiling media darling, nabanggit na muli silang magkakatrabaho ni Aljur and this time, pelikula naman. Makakasama nila si Rhian Ramos sa wala pang title na pelikula na November na sisimulan ang shooting. Anyway, may balita ring papasok sa Amaya si Aljur, pero dahil wala pang sinasabi ang GMA Artist Center (GMAAC) at ang mga taga-Amaya, hindi pa makukumpirma kung totoo. Siyanga pala, this Friday, 5:00 p.m., sa Trinoma Activity Center ang album launch at fans day ni Aljur. Dumating kaya si Kylie Padilla para suportahan siya?

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007