Matagal na lihim nabuking, Lovi Poe patay na patay kay Jericho Rosales

Inalam namin kay Leo Dominguez, manager ni Lovi Poe, kung totoong hindi na sa pelikulang Yesterday, Today & Tomorrow kasama ang aktres dahil inilipat ng Regal Entertainment, Inc. sa Hototay, isa pa sa mga entries ng film company sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi “oo” at “hindi” ang sagot ni Leo kundi “Hindi papayag si Lovi. Super crush niya si Jericho (Rosales).” Nalaman tuloy namin ang matagal na sikreto ng dalaga na type niya ang aktor at tuwang-tuwa na makakasama niya ito sa Yesterday, Today & Tomorrow kaya ang nabanggit na pelikula ang mas pipiliin kesa Hototay. Wala pang formal announcement ang Regal kung saang pelikula talaga ilalagay si Lovi pero malaking dahilan din bukod kay Jericho kung bakit mas pipiliin niya ang Yesterday…, ay dahil makakasama rin niya sina Maricel Soriano at Gabby Concepcion na favorite nito. Ang iba pa sa cast ng Yesterday…, ay sina Carla Abellana at Dennis Trillo, kasama ni Lovi sa My Neighbor’s Wife at ang direktor nitong si Jun Lana pa rin ang direktor ng pelikula niya sa MMFF.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007