Angel, dinenay sina Marvin at Robin

Nag-last shooting day na ang Angel of Mine episode ni Angel Locsin sa Angels, kaya gusto niya munang magbakasyon. Nakatakda siyang pumunta sa Boracay anytime this week kasama ang ilang friends.

Mga ilang araw lang si Angel sa Bora at doon na sasalubungin ang kaarawan sa April 23. Uuwi rin siya that day ng Manila para sa gift-giving niya with Gabriela.

Asked kung may special someone na kasama si Angel sa pagbabakasyon, aniya ay wala talaga at puro kaibigan lang ang kasama niya.

Wala pa raw siyang special someone dahil hindi pa siya ready na magmahal ulit.

Nagugulat daw siya sa mga naglalabasang nali-link sa kanya tulad nina Marvin Agustin at Robin Padilla dahil kaibigan lang niya ang mga ito.

“Kasama ko kasi sila sa Asian Treasures, kaya siguro nagkakaroon ng tsismis. Pero mababait na tao sila at ibang klase rin ang bonding namin,” sabi ni Angel.

Wala nga raw nangangahas ng ligaw sa kanya marahil dahil na rin sa alam ng guys na hindi pa siya ready na pumasok ulit sa isang relasyon.




SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007