Diana Zubiri, game na game magpasilip!

Ayaw ring paawat ni Diana Zubiri sa kakakayod. Tulad ni Ai Ai, isa
rin siyang babaeng walang pahinga.

Aba, kahit birthday ni Diana last Sunday (April 15), hindi pa rin
siya tumigil sa trabaho. Dumayo pa ang seksing aktres sa Nueva Ecija
para magsyuting.

Well, naging happy naman si Diana sa birthday niya kahit kumakayod
siya. Nakatanggap siya ng birthday cake mula sa staff ng Seiko Films,
at ipinaghanda rin siya ng mga kasamahan niya.

"Ang saya dahil nag-celebrate ako na kasama ko sina Francine Prieto,
Polo Ravales, at Direk Joel Lamangan. Syuting kasi `yun ng Silip, at
masaya ako na may trabaho ako kahit birthday ko."

Tapos na nga pala ang Silip, at ngayon pa lang ay ipinagmamalaki na
ni Diana na pare-pareho silang napaarte ni Direk Joel.

At giit pa ni Diana, bagay na bagay ang title na Silip sa mga eksena
sa syuting nila, dahil hindi lang isang beses na nasilipan sila ng
mga lalake sa syuting nila.

Hindi nga raw maintindihan ni Diana kung saan nanggagaling ang mga
tao sa syuting nila sa Nueva Ecija, dahil super sikreto at tagung-
tago na nga ang trabaho nila.

Pero `yun na nga, bigla na lang nilang napapansin na may mga matang nakamasid na lang bigla sa kanilang mga hubad na katawan.

"Hanggang likod lang naman ang nakita nila. Marunong akong magtago. Magsawa sila sa kasisilip!" nakangiting sambit pa ni Diana.





SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007