Heart Evangelista, pinagbawalang dumikit kay Daniel Matsunaga!


Nag-celebrate ng kanyang birthday last Monday ang Brazilian-Japanese model-turned-actor na si Daniel Matsunaga.

Dumating nga ulit ang kanyang pamilya sa Pilipinas at dumiretso sila ng Palawan para roon i-celebrate ang birthday ni Daniel.

Balita ngang hindi nakasama ang girlfriend ni Daniel na si Heart Evangelista dahil nagdahilan ito na merong previous commitment.

Pero from a reliable source, may pumigil daw kay Heart na sumama sa pagpunta sa Palawan. Ready na raw si Heart pero bigla raw itong nag-back-out dahil pinigilan daw ito.

Dagdag pa ng source namin na dapat ay kasama rin si Daniel sa cast ng drama series na Legacy ng GMA-7.

Nasabihan na raw ito pero bigla raw itong inalis sa cast. Nagulat nga raw ang management ni Daniel at tinanong kung bakit biglang natanggal sa Legacy si Daniel. Ang sagot sa kanya ay meron daw nagpatanggal kay Daniel at nagulat din sila na wala na ito sa final cast.

Nagkaroon ng pictorial ang cast ng Legacy sa GMA-7 noong Tuesday pero maaga raw natapos si Heart at umalis ito agad.

Wala tuloy naka-interview sa kanya kung totoong may pumigil sa kanya sa pagpunta nito sa Palawan at kung ano ang reaction niya na bigla nawala sa cast ng Legacy ang boyfriend nito.

May gusto kayang sumira sa magandang samahan nila Heart at Daniel?

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007