Lovi Poe Bagong Endorser ng Red Horse Beer


KAHAPON ang first taping day ni Lovi Poe para sa bago niyang primetime series sa GMA 7 na Legacy.

Katambal niya rito si Geoff Eigenmann sa unang pagkakataon.

Tinapos ni Lovi kahapon nang 4:00 AM ang Metro Manila Film Festival 2011 entry ng Regal Entertainment na Yesterday, Today, Tomorrow.

Kahit puyat-puyatan siya ay dumeretso siya sa first taping day ng Legacy.

“Okay lang naman, Tito Jun. Kahit puyat, thankful pa rin ako na maraming trabahong dumarating sa akin.

“Kung minsan, halos sa kotse na lang ako natutulog, pero okay lang po. Very thankful ako sa lahat ng blessings na dumarating sa career ko,” pahayag ni Lovi.

Pumirma si Lovi kamakailan ng kontrata bilang bagong endorser ng Red Horse Beer.

Lalabas ang TV commercial niya para sa nasabing produkto bago magtapos ang taong kasalukuyan.

“Malaking karangalan sa akin na ako ang napili ng Red Horse Beer management para sa kanilang bagong TV commercial.

“I’m so proud of my new endorsement. Ang ganda ng TV commercial na ginawa namin! Nakakatuwa na before the end of the year eh ilalabas na po ‘yon,” pahayag ni Lovi.

Early next year ilalabas ang third album ni Lovi, kaya makikita na naman nating kumakanta-kanta sa mga TV show at malls si Lovi para i-promote ‘yon.

Despite her busy schedule, marami ang nakakapansin na blooming at lalong gumaganda si Lovi, kaya marami tuloy ang nagdududang baka may inililihim na inspirasyon sa buhay ang dalaga.

May boyfriend ba ngayon si Lovi?

“Tito Jun, alam mo namang wala akong boyfriend ngayon, kaya wala talagang ganyang inspirasyon.

“Pero siyempre, inspired ako sa dami ng projects ko, lalo na sa pagdating ng Red Horse Beer endorsement,” pahayag pa ng dalaga.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007