Lovi gets starstruck by Cherie Gil

HINDI na talaga itinago ng magandang young sexy actress na si Lovi Poe ang labis na paghanga sa isa sa mga iniidolo niyang artista na si Cherie Gil.

Na-starstruck ang byuti ni Lovi nang makasama niya si Cherie sa first day taping niya para sa latest soap ni Lovi sa GMA7 na Legacy.

Sa isang panayam kay Lovi, talaga raw kinabahan siya nang husto nang kunan ang eksena nila ni Cherie. Halos nangatog daw ang kanyang tuhod sa galing ng “pagbato” ng mga linya ni Cherie.

Mother ni Lovi si Cherie sa naturang soap kung kaya mas marami pang eksena na tiyak na magkasama silang dalawa. Hindi kaya maging uncomfortable si Lovi kapag laging kasama ang kanyang idol?

Say ni Lovi, noong una raw na nagsama sila ni Cherie talagang super-kaba siya, pero nang makunan na ang first scene nilang magkasama, naging very accommodating na raw si Cherie na naging daan para mapalagay ang loob niya sa hinahangaang aktres.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007