Rhian, Nag-Aksyon Na Rin

Kasama rin sa Lupin ang magandang si Rhian Ramos bilang si Avril Legarda ang naulilang anak at tanging tagapagmana ng sikat at negosyanteng pinaslang. May unawaan sila ni Lupin pero maiiba ang twist ng istorya kapag nalaman nito na ang nobyo pala ang pangunahing suspect sa pagpatay sa ama.

May mga eksena si Rhian gaya ng pagtalon mula sa bubong kaya sinabi ng aktres na maaasahan din siya sa action scenes.

Ayaw nitong patulan ang intriga na kaya lang siya nagkakaroon ng mga proyekto sa Siete ay dahil pamangkin siya ni Yda Henares na siyang head ng GMA Artist Center.

Sa ganang amin, may ibubuga sa akting si Rhian at walang kinalaman ang kanyang auntie kung magkapangalan man ito.

Prioridad pa rin nito ang kanyang career kaya ayaw munang mag-concentrate sa lovelife.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007