Patrick, antipatiko sa Startalk

Kung magkakaroon ng botohan sa mga taga-Regal Films kung sino kina Patrick Garcia at Mark Herras ang mas gusto nilang maka-partner ni Jennylyn Mercado sa Tiyanak, tiyak nang si Mark ang wagi.

Ilan sa mga naririnig naming involved sa naturang project, hindi nila type si Patrick dahil antipatiko ito.

Parang ayaw naming maniwala kahit paminsan-minsan ay nagpapakita ng kasupladuhan ang aktor kapag ini-interview o naggi-guest sa Startalk.

Baka hindi lang niya kayang magpakaplastik kung hindi siya
kumportableng magpa-interview.

Nu'ng nakaraang Biyernes ay nagpakita si Patrick ng kaantipatikuhan sa ilang staff ng Startalk nang sinadya ito sa taping ng Super Twins para kunan ng reaksyon tungkol sa isyu ng casting sa Tiyanak.

Bago pumunta roon ang mga taga-Startalk ay pormal silang nagpaalam sa handler nito na kaagad umokey. Alam na raw ni Patrick ang naturang interview.

Nang dumating na ang reporter ng Startalk, lumapit ito sa isang staff ng Super Twins para magpaalam na interbyuhin ang aktor.

Nang nilapitan na si Patrick, sumagot ito ng "Tulog ako!" sabay sara ng pinto ng kanilang dressing room.

Ipinarating agad ito sa kanyang handler, pero ayaw na niyang sagutin ang mga tawag.

Tulog na raw siya kaya ayaw nang magpa-interview sa mga taga-Startalk.

Kinabukasan ay nagpaalam pa rin ang mga taga-Startalk kung pwede kahit phone patch interview man lang.

Sagot ng handler, natutulog pa si Patrick dahil napuyat sa taping.

Wish na lang namin kay Patrick na sana'y laging mahimbing ang kanyang pagtulog, huwag lang ang kanyang career.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007