A man claims he is the real father of Rainier Castillo

May ginawang game para sa entertainment press ang Showbiz Central, ang bagong Sunday showbiz talk show ng GMA-7, na ini-launch kagabi sa Annabel's restaurant. Pinagtanong ang mga invited press ng tig-iisang hard-hitting question. Piliin daw nila ang una nilang itatanong kung sila ang ilalagay na jury sa show.

Isa sa mga nanalo ay ang tanong na kung alam ba ng young actor na si Rainier Castillo na may isang lalaki na nagki-claim ngayon na ama raw siya ng binata. Of course, hindi ito nasagot ni Rainier dahil wala naman ang StarStruck Batch 1 First Prince sa press con.

Sinuwerte lang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasaStation 168 Internet Café, na katabi mismo ng Annabel's restaurant, si Rainier, kung kaya't naitanong namin agad ito sa kanya pagkatapos ng Showbiz Central press con.

"May bago na naman?" ang balik-tanong sa amin ni Rainier na ikinagulat naman namin.

Aniya, "Marami nang nagki-claim na tatay ko raw, kaya pang-apat na `yang sinabi nyo sa akin. Kilala ko ang tunay kong ama. Nasa States siya ngayon at may communication sila ng Ate ko sa Internet.

"Nang bumalik siya rito, bumisita siya sa bahay pero wala ako doon kaya hindi kami nagkita. Pero sila ng Ate ko nagkita. Hanggang ngayon, may communication pa rin sila ni Ate through emails at chat."

Nagsimula raw may mag-claim kay Rainier bilang anak nila nang natapos ang kauna-unahang StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7. Before that, nang isa pa lang siyang normal na estudyante, wala naman daw siyang naririnig na ganoon.

Wala pa rin ni isa sa mga sinasabing claimants ang lumalapit sa kanya para magpakilala.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007