‘Asian Treasures’ stars na-stranded sa Bangkok

NA-STRANDED sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Jaime Fabregas at ang production staff ng "Asian Treasures" sa Bangkok, Thailand on their way to Chiang Mai. Fourteen hours ang biyahe nila by train na puro bulubundukin ang dinaanan nila. Ayon sa tsika ni Lhar Santiago na nag-cover ng taping, nasa kalagitnaan na ang trip nila nang magkaroon ng engine trouble ang train at matagal silang naghintay bago naayos ’yon. Naubos daw ang mga chichiriyang baon nila sa tagal ng paghihintay at pati pagkain sa canteen ng train ay naubusan sila dahil may mga pasahero silang kasama papuntang Chiang Mai. "Waging-wagi" naman ang beauties nina Angel at Diana sa Chiang Mai, tsika pa ni Lhar. Parehong naka-short-shorts ang dalawa na pinagtitinginan ng mga tagaroon during the shoot ng isang eksena nila roon. Halos lumuwa raw ang mga mata ng mga Chiang Mai boys at may napapanganga pa pagkakita sa dalawang sexy stars ng "Asian Treasures." May mga Chiang Mai girls namang ginaya ang tastas na shorts ni Diana at ginupit-gupit din ng mga ito ang kanilang shorts. Sa isang restaurant naman ay napagkamalang waitress si Diana dahil naka-uniform siya. Nakaupo lang siya habang naghihintay ng take nang lapitan siya ng isang restaurant staff at tinalakan siya. Bakit daw nakaupo lang siya at hindi inaasikaso ang mga customer. Pagkatapos makunan ang mga eksena sa Chiang Mai, bumalik ang grupo sa Bangkok. Nag-enjoy si Angel sa pagsakay sa isang elephant, ayon kay Lhar. Asked kung may napansin ba siyang kakaibang kilos nina Angel at Marvin na natsitsikang may something special going on, "Wala!" ani Lhar. "Off-cam, sina Angel at Diana ang para-ting magkatsika. Normal lang ang nakita kong kilos nina Angel at Marvin. Si Robin naman, may ibang mundo."

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007