Boobs ni Jewel, parang boobs ni Maui

Inaayos na ang kontrata sa GMA 7 ng anim na survivors ng Starstruck 4 atiha-handle sila ng Artists Center.

Ilang araw pa lang ang pagkapanalo nina Aljur Abrenica, Jewel Mische, Kris Bernal at Mart Escudero sa Starstruck 4, may mga narinig na akong kanegahan sa ilan sa winners.

Ayon sa ilang nakakausap ko na malapit sa mga ito, okay si Aljur at mabait ito pero may pagkamahadera raw ang ilang kapamilya nito.

Si Mart ay na-late na raw agad nang halos isang oras sa isang guesting niya.

Mas marami akong narinig na kuwento tungkol sa Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische.

Sobrang pasaway raw ang batang ito. Hanggang sa huling araw sa Starstruck 4 ay consistent pa rin daw sa pagiging pasaway si Jewel. Kulang-kulang daw ang dalang requirements nito.

Napakabata pa ni Jewel, napagdudahan nang nagparetoke.

Ang unang obserbasyon nila sa batang ito, parang retokado ang boobs nito. Naikumpara ito sa boobs ni Maui Taylor na hindi gumagalaw at steady sa pagkatayo.

Kahit sumasayaw si Jewel, parang hindi raw natitinag ang dibdib niya.

Ang isa pang mukhang niretoke ay ang ilong ni Jewel. Parang inayos ang bandang baba nito.

Maganda ang hugis ng puwet ni Jewel at may balakang dahil lagi raw itong may pads sa puwet.

"Kadera Queen" ang tawag kay Jewel dahil hindi raw nawawala ang kadera na suot nito.

Sa Startalk sa Sabado ay guests ang survivors at avengers ng Starstruck 4, dahil ibibigay sa winners ang mga napanalunan nila pati ang ilang premyo sa finalists.

by Abu Tilamzik


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007