Dennis Trillo as Unico Hijo

TAPOS na ang Holy Week special ng TAPE, Inc., titled Unico Hijo na pagbibidahan ni Dennis Trillo.

Transvestite ang role ng actor, nagtrabaho sa Japan, nagpa-sex change at nagka-AIDS.

Habang nagti-taping, naalala ni Dennis ang hirap na dinanas sa Aishite Imasu, kung saan bading ang kanyang role.

Sa Unico Hijo, buong araw siyang ayos babae, naka-bra, girdle, may heels ang sapatos na suot at may wig pang nagpadagdag ng dusa sa kanya.

Sulit ang hirap ng actor-turned-recording star dahil maganda ang kinalabasan ng special, na mapapanood sa April 7, Black Saturday.

Kasama niya rito sina Eddie Garcia as his father at Mylene Dizon as his sister. Si Jun Lana ang scriptwriter at director ng nakaiiyak na special.

Samantala, tuloy sa pagpu-promote ng self-titled album sa Indimusic si Dennis, lalo nang malamang maganda ang sales nito.

Enjoy din ito sa taping ng Super Twins, lalo’t nagsimula na ang mga eksenang naghaharap sina Eliseo at Eliazar na pareho niyang ginagampanan.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007