Rhian Ramos, di sinasadyang isnabin si Ara Mina

Humingi na ng paumanhin si Rhian Ramos hinggil sa isyung inisnab niya si Ara Mina nu'ng magkita sila sa 7th anniversary party ng YES! magazine sa The Fort.

Hindi raw intentional ang hindi pagkakapansin ng young star kay Ara kaya nag-sorry siya sa nangyari.

Sinubukang tawagan ni Rhian si Ara sa celfone para personal na mag-apologize pero dahil hindi pamilyar sa number ay hindi sinagot ni Ara ang tawag nito.

Para kay Ara ay wala na `yon kaya tumanggi na siyang magpainterbyu sa S-Files tungkol sa isnaban issue para huwag na itong humaba.

Sabi sa amin ni Ara, hindi na rin niya tatawagan si Rhian, hihintayin na lang niyang magkita sila sa taping ng Lupin at doon na lang sila mag-uusap ng bagets.

Wala pa siyang taping schedule para sa Lupin kaya hindi alam ni Ara kung kelan sila magkakaharap ni Rhian.

Nainis at nairita si Ara sa pandededma sa kanya ni Rhian sa YES! party ay dahil nu'ng pictorial nila para sa Lupin ay siya pa ang naunang bumati sa dalaga at okey silang dalawa.

Nagulat si Ara nu'ng sa party ay ang katabi niyang si Polo Ravales lang ang binati ni Rhian at siya ay ni hindi man lang nginitian o kinawayan nito.

Nakarating din pala kay Ara `yung hate emails na supposedly ay nanggaling sa ilang fans ni Rhian kung saan inaalipusta siya nang husto.

Ayaw na itong patulan ni Ara dahil wala siyang mapapala kung magpapaapekto siya rito.

Tama rin daw `yon na matuldukan na ang isyu sa kanila ni Rhian dahil magiging magkatrabaho sila at ang pangit tingnan na nag-aaway o nagpapatutsadahan sila.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007