Pakikipagbalikan kay Oyo, itinanggi ni Angel

Ka-text namin si Angel Locsin kamakalawa dahil sa kanya mismo namin itinanong kung totoong nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto.

Isang kaibigan kasi namin ang nakapagsabi sa amin na nakita nito si Oyo sa bagong biling bahay ni Angel sa Don Antonio Royale village sa may Commonwealth Ave., QC.

Naghinala ang kaibigan namin na nag-reconcile ang dalawa lalo na’t ayon sa mga nakasaksi ay okey sina Angel at Oyo nang magkita (for the first time after ng kanilang breakup nu’ng Disyembre) sa kasal nina Danica Sotto at Marc Pingris nu’ng Marso 3.

Kaswal na itinanggi sa amin ni Angel na nagkabalikan sila ni Oyo. Sabi pa ng dalaga, baka ‘yung pinsan niyang lalake ang nakita ng kaibigan namin na kasama niya at napagkamalan lang na si Oyo.

Nabanggit din niya sa amin na hindi pa nakapupunta si Oyo sa kanyang bagong biling bahay. Hindi pa rin daw siya nakalipat doon dahil inaayos pa ito.

Ayon sa constructor ni Angel ay mga isang buwan pa ang aabutin bago siya tuluyang makalipat sa kanyang P16M house.

Hindi brand new ang nabiling bahay ni Angel pero nasa magandang kondisyon ito kaya hindi na kailangan ng major renovation.

Umalis na pa-Amerika ang dating may-ari nito kaya nai-turnover na sa kanya ang nasabing bahay.

Samantala, bukas ay nakatakdang lumipad si Angel at iba pang stars ng Asian Treasures pa-Thailand para mag-taping sa Bangkok at Chiang Mai.

Pagkatapos nito ay pupunta rin sila ng China at Mongolia para mag-taping.



SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007