Jen, nagback-out sa My Kuya's Wedding

As of press time, maugong ang balitang si Pauleen Luna na ang gaganap na bride ni Ryan Agoncillo sa launching flick ni Maja Salvador sa Regal Entertainment na My Kuya’s Wedding, na dapat sana’y si Jennylyn Mercado.

Hinihinalang ang young actress ang tumanggi sa project dahil ayaw nitong maging support lang kay Maja.
But the funny truth is, nai-cast at napalitan si Jennylyn nang wala siyang kamalay-malay. Hindi naman kasi siya ang nakikipag-usap or nakikipag-negotiate sa mga offer na dumarating, kundi ang kanyang managers na si Becky Aguila at ang GMA Artist Center, headed by Yda Henares.

Sa storycon pa lang ng My Kuya’s Wedding, hindi alam ni Jen na kasama pala siya sa cast since biglaan din yata ang pagkakalagay sa kanya. Supposedly ay si Jolina Magdangal talaga ang gaganap sa role, pero tumanggi ito dahil busy sa kampanya ng boyfriend na si Bebong Muñoz.

Ngayong hindi na pala si Jen, hindi rin ito alam ng young actress at may nagsabi na lang nga sa kanya ng tungkol dito. Ang dahilang ibinigay ng GMAAC ay hindi talaga kakayanin ni Jen na gawin ang movie dahil conflict sa schedules niya ang araw ng mga shooting.

Bukod sa My Kuya’s Wedding, may isa pang gagawin ang young actress sa Regal na may working title na Tiyanak with Mark Herras and Patrick Garcia.
So, baka ru’n na lang daw mag-concentrate si Jen aside from taping for Super Twins.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007