Gwen admits she has a crush on Aljur


Almost a month din palang nagbakasyon sa Australia si Gwen Zamora kaya hindi na ito napapanood sa Bubble Gang kung saan kasama siya ng mga sexy ring tulad niya na sina Sam Pinto, Ellen Adarna at Jackie Rice.

“Umuwi ako sa Australia kasi nanganak ang kapatid ko ng isang baby boy. Nagkaroon din kami ng bonding ng family ko roon. Sa Australia kasi kami nakatira. Ang sarap nga, dalawa na ang pamangkin ko na puro lalaki.

“Kung magkakaanak ako, ang gusto ko ring maging anak ay lalaki,” tsika ni Gwen.

Consistent si Gwen Zamora sa pagsasabing si Aljur Abrenica ang crush niya, pero kung liligawan daw siya
nito baka hindi niya sagutin dahil titingnan daw niya kung ‘yun ay showbiz lang o pang real-life na. Tanong namin, si Aljur ba ang wish niyang maging ama ng pangarap niyang lalaking anak?

Natawa lang si Gwen na may kahalong kilig.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007