Kris Bernal stars in a dancserye but admits, "Hindi ko forte ang dancing."

Matapos ang huli niyang primetime show na Machete (2011), at ang kanyang afternoon show na Koreana (2010), naghahanda na ngayon si Kris Bernal sa susunod niyang project sa GMA-7, ang The Time of My Life.

Ang The Time of My Life ay isang danceserye kung saan makakatambal niya ang "Bad Boy" ng dance floor na si Mark Herras, at ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris kagabi, June 15, sa product launching ng HTC sa Republiq Club, sa Resorts World Manila, Pasay City.


Ayon kay Kris, ngayong araw, June 16, ang schedule ng kanyang first taping.

ON MARK HERRAS. Ito ang unang beses na magkakatambal sina Kris at Mark, na parehong winners sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck. Pero madalas naman silang
nagkakasama sa production numbers sa musical-variety show na Party Pilipinas.

Sabi ni Kris, challenging ang bagong project na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

"Dito kasi sa danceserye, ang hirap talaga sumayaw," pag-amin niya.

"Kasi aaminin ko naman, I'm not good as Mark Herras, di ba?"

Pero kahit totoong dancer and kanyang leading man, wala naman daw pangamba si Kris.

"Very cooperative siya [Mark]," sambit niya.

"Talagang, like ngayon, sinisimulan kasing i-build up yung love team namin, e.

"So, talagang kina-career namin yung trabaho namin."

ON LOSING WEIGHT. Kitang-kita na seryoso si Kris sa paghahanda para sa bagong project niya.

Isa sa mga paghahandang ginagawa niya ay ang pagpapapayat. (CLICK HERE for related article.)

Pero kahit iba-iba ang natatanggap na komento ni Kris tungkol sa pagpapayat niya, kumportable naman daw siya sa katawan niya ngayon.

"Ang laki ng pinayat ko, di ba? Kasi talagang requirement dun [sa danceserye].

"Comfortable naman ako. Pero sometimes, I find myself too skinny.

"Kaya ngayon, medyo nagpapalaman na talaga ako," saad ng young actress.

Ang ideya ng pagpapataba ng kaunti ay dahil daw sa concern ng iba sa kanya. Ayaw naman daw isantabi ni Kris ang mga opinyong ito ng mga tao.

"Actually, ngayon nagge-gain na talaga ako ng weight," sabi niya.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007