Heart nagbanta sa mga kaaway kahit nasa Brazil!

Habang abala ang lahat ng artista ng Temptation Island, nagsasaya naman si Heart Evangelista sa Brazil kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Sa kanyang mga tweets, panay raw ang kain nila. Nag-tweet din siya na sana ay nasa presscon din siya ng pelikula na ginanap kahapon ng tanghali sa kasagsagan ng ulan : “@lovipoe @RegalFilms @solennheussaff @Heartworld @imrufamaequinto I wish I could be there for the presscon of temptation island“

Tweet pa niya : “so much fun here I feel free from all the negativity so peaceful when your here you can laugh at anything instead of crying”


Maraming nanghihinayang na lumayas si Heart pa-Brazil after ng shooting nila ng Temptation Island nina Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heussaff and Rufa Mae Quinto.

Nagkaalaman na sana kung andun siya kahapon sa presscon kung saan naging emotional si Marian
nang maungkat ang tungkol sa matagal nang pinag-uusapang panghihiya sa kanya ng mother ni Heart sa airport nang sunduin nito ang anak na may escort na mga pulis.

Ang akala pala ni Marian, ayos na sa kanila ang lahat. Pero nakatikim pa siya ng paninigaw ng ina ni Heart na kinaiinisan ngayon ng maraming fans ng actress.

In a way, hurt din si Marian dahil ang akala niya ay kaibigan niya si Heart, pero na-realize niyang hindi pala. In fact nag-swap pa nga sila ng role dahil magba-back out sana si Heart sa pelikula dahil hindi kaya ang kaseksihan ng role pero pinigilan siya ni Marian.

Pero ang ending, nag-away na lumaki nang pumasok sa eksena ang mommy ni Heart.

At obviously ipinarating kay Heart ang mga nangyari sa presscon kaya kahapon may pahabol siyang tweet : “Why is it so unfair? too much. Someone please do something if not i will have no choice. i may not be on the same page with mom 90% of the time but she is my mother so stop bashing her. if any lie is said with your info displayed then you will get what you deserve. sobra na po talaga. totally not fair anymore. this will be the last time. i will tweet about this negative vibe. I am on vacation and having a nice time and all i ever wanted was to finally laugh since. all i did was be silent and cry. tama na po.lets not be unfair. god bless and peace to all.”

Hmmm. Magkakasubukan dito.

Pero sa totoo lang, mas maraming kakampi si Marian sa away nilang ito.

Anyway maganda ang trailer ng pelikula na co-prod ng GMA at Regal Films at mapapanood sa mga sinehan sa July 6.

Si Chris Martinez ang direktor ng movie at kasama rin sina Aljur Abrenica, Mikael Daez, Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007