Mga bagets ng Tween Hearts may kanya-kanyang tsismis

Bumisita kami sa taping ng Tween Hearts noong isang araw at naabutan namin ang cast na masaya dahil start na ng third deason sa Sunday at mataas pa rin ang ratings nila.

At their age, may mga issues na ang cast ng Sunday series ng GMA 7.

Gaya ni Joshua Dionisio na marami sa fans nila ni Barbie Forteza ang nasaktan sa lumabas na crush niya si Julie San Jose at nanghingi pa siya ng halik sa labi nang magkita sila sa rehearsal ng Party Pilipinas. Hindi namin na-interview ang bagets dahil biglang nawala sa tabi namin, hindi naman siguro siya umiwas sa press, ’no?



Si Jake Vargas ang ka-love team ni Bea Binene pero kay Derrick Monasterio siya nali-link mula nang bigyan
siya ng bulaklak ng bagets. Ang balita namin dahil sa ginawa ni Derrick, gagawin na silang love triangle sa Tween Hearts.

Wala sa taping sina Kristoffer Martin at Joyce Ching dahil naglagare sa taping ng Munting Heredera, hindi tuloy nausisa sa tsikang seryoso sila sa kanilang relasyon.

Marami pang tsika sa mga bagets na cast din ng pelikulang Tween Hearts: Class of 2012 at ’di lang akting ang ipapakita pati pagkanta dahil sila rin ang kakanta sa OST o Original Soundtrack ng movie.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007