Kylie Padilla, aalis na ba sa ‘Tween Hearts’?


Very busy si Kylie ngayon sa ‘Blusang Itim’, and her star is truly on the rise. But may time pa ba siya for ‘Tween Hearts’?

Tuloy-tuloy na nga ang pag-shine ni Kylie Padilla sa mundo ng showbiz. Nagiging mas exciting at nakakakilig ang istorya ng kanyang character na si Heidi sa hit weekend teen-oriented show na Reel Love presents Tween Hearts. Ano pa kaya ang maaasahan ng mga manonood sa love triangle na Rick-Heidi-Aries/Nathan?

“Ang masasabi ko lang po, it’s a big surprise. Unexpected yung makikita nila kay Aries,” says Kylie excitedly.

Dagdag naman niya, “Si Rick, ang sarap sampalin kasi alam naman nating lahat na gusto niya si Heidi, pero
hindi niya maamin kay Heidi. Eto namang si Heidi, gusto rin si Rick so nasasaktan siya na hindi maamin ni Rick sa kanya.”

Meanwhile, aside from doing Tween Hearts ay nagbibida din si Kylie ngayon sa afternoon drama na Elena Patron’s Blusang Itim. Ano kaya ang kanyang pakiramdam na siya ngayon ang lumalabas bilang bida sa kanyang sariling show?

“I am so happy and may konting kaba din. Mas mabigat yung responsibility and ikaw ang magdadala ng show,” pag-amin niya.


Nadadama ba niya ang pressure na pumantay sa mga nakaraang shows sa hapon na naging very successful?

“Oo, konti. Actually, hindi konti. Medyo. Oo. Siyempre, ang gaganda ng mga shows,” paglalahad niya. “So may konting pressure na kailangan tumapat din ako.”

Binigyan ba siya ng dad niya ng advice bago siya magsimula dito sa Blusang Itim?

“Binigay ko sa kanya yung script tapos sabi niya, ‘O sige, anak, basahin mo ng mabuti. Isipin mo kung paano mo mabibigkas ang mga lines, and ayun, sabi niya, ‘Iyan ang hinintay mo anak. Galingan mo talaga.’” Kuwento niya.

Ngunit dahil busy na siya with Blusang Itim ngayon, magkaroon pa kaya siya ng time para sa kanyang paglabas sa Tween Hearts ?


“Sana magawan ng paraan kasi ayokong mawala sa Tween Hearts,” says Kylie. “Napakasaya kasi sa Tween Hearts, at saka parang family na rin yung mga cast and crew, parang ayokong mawala.”

Samantala, may mensahe naman siya para sa mga fans ng Tween Hearts.

“Sana magustuhan nila yung bagong storyline ni Rick, ni Aries, and Heidi. Sana suportahan nila and sana pati ako sana, ma-ano na ni Rick na gusto niya si Heidi.”

Text by Karen de Castro.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007