Nita Negrita ni Barbie Forteza Matatapos Na!


Barbie Forteza shares kung ano ang kanyang pinakamami-miss sa ‘Nita Negrita’, and what’s next for her.

Malapit nang matapos ang afternoon drama na Nita Negrita, na pinagbibidahan ng Tween royalty na si Barbie Forteza. Ngunit hindi pa rin nagtatapos ang mga kaabang-abang na eksena sa buhay ng kanyang character na si Nita. Ano nga kaya ang maaasahanng mga manonood sa mga nalalabing episodes ng Nita Negrita?

“Sobrang dami. As in kahit patapos na, hindi pa rin nauubusan ng mga revelation, ng mga twists, talagang
kahit sa huling araw, huling eksena, talagang punong-puno ng drama pa rin,” shares Barbie.

May patikim naman bang maibabahagi si Barbie sa mga manonood kung ano ang mga twists na ito?

“May mababaril, at may mamamatay,” paglalahad ni Barbie. “Pero yung mababaril… Basta panoorin niyo na lang. Basta may ganung twist.”

Samantala, natapos na ang taping nina Barbie para sa mga nalalabing episodes ng Nita Negrita. Ano naman kaya ang kanyang pinakamami-miss sa show na ito?

“Make-up ko!” pag-amin niya. “Yun na una. Yun talaga ang mami-miss ko talaga, na yung hirap, yung pagod, na talagang pag nasa set, make-up agad.”

Hindi naman masyadong matagal ang hihintayin ng mga manonood upang muling mapanood si Barbie dahil busy siya ngayon para sa Tweens The Movie: Class of 2012. Patuloy din ang paglabas ni Barbie sa Reel Love presents Tween Hearts, na napapanood pa rin tuwing Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas. Ngunit mayroon pa ba siyang ibang upcoming projects na paparating after ng Nita Negrita?

“Sa ngayon, ang alam ko pa lang po, yung movie, pero they told me that they’re still planning about me, kung ano yung susunod [kong project]. Sana po, I’m hoping there’ll be more,” sagot niya.

Patuloy na subaybayan ang Nita Negrita sa Dramarama sa Hapon ng GMA.


Text by Karen de Castro.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007