Sam Pinto Is She the Next Big Star?



HINDI na talaga maawat ang kasikatan ni Sam Pinto who belongs to Claire de la Fuente’s stable of beautiful and talented stars. Patunay lamang na si Sam ay made na bilang actress kahit di pa man tumatagal sa industriya. Nasa hilera na siya ng may pinakamataas na talent fee. Imagine, sa commercials lang, she commands a P3 million asking price at kinakagat naman dahil naniniwala sila sa gayuma ng ganda ni Sam .

Kabilang sa mga commercial niya ang San Mig, Fitrum, Creamsilk at malapit na ring Makita ang billboard niya sa EDSA for Smart with the Philippine Azkals.

Samantala, nagkaroon ng fans day si Sam na ang mga dumalo ay mga galing sa sosyal na pamilya mula pa sa iba’t ibang lugar. Dahil sa tinamong papuri ni Sam sa ‘Tween Academy: Class of 2012,’ inimbitahan ng manager niyang si Claire de la Fuente ang mga fans sa isang dinner bonding sa restaurant niya Seafood Market sa Macapagal Avenue.


Sam Pinto


Inabot ng 12 midnight ang naturang fans day kaya tumuloy na si Sam sa taping ng Bubble Gang kung saan she’s a regular member now. Masaya si Sam sa experience niya on the show kasama sina Ogie Alcasid, Michael V, Maureen Larrazabal, Rufa Mae Quinto and the rest of the gang. Nagpapasalamat siya sa kanilang tulong on how to act right sa comedy.

Tinaggap din ni Sam ang hamon ng Viva Films na gampanan ang role na ginawa noon ni Hilda Koronel sa Angela Markado ni Carlo J.

Caparas. Para kay Sam isang malaking karangalan ito kaya ayon sa kanya, pagbubutihan niya ang pagganap. Nakaka-challenge daw kaya’t asahan na siya ang next big star sa taong papasok.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007