Joshua Dionisio at Barbie Forteza Patok ang Loveteam!

Very successful ang premiere night ng Tween Academy: Class of 2012 na ginanap sa Cinema 9 at 10 ng SM Megamall nung nakaraang Sabado.

Hindi na namin tinapos ang buong pelikula dahil sa wala na kaming naririnig kundi puro tilian na lang ng mga fans. Kaya panonoorin na lang namin ito sa regular showing bukas.

Base sa attendance ng mga tagahanga na dumagsa sa naturang premiere night, lamang na lamang pa rin ang love team nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Sila pa rin ang pinakamalakas at talagang matindi ang suporta ng mga followers ng dalawa.

 Tween Hearts Girls


All out din ang suporta sa love team nina Bea Binene at Jake Vargas at sa ilan pang love teams.

Kumpleto naman ang buong pamilya ni Elmo Magalona pati ang kapareha nitong si Julie Anne San Jose na may special participation sa naturang pelikula.

Ipinakita na rin doon ang teaser ng pelikulang pagbibidahan nilang dalawa, kaya mukhang tuloy na tuloy na ito.

Tween Hearts Boys

Dumalo rin pala sa naturang premiere night sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla pero hindi sila nagpa-interview.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007