Joshua Dionisio mahaba ang exposure sa Tween Academy



Matutuwa ang mga fans ni Joshua Dionisio kapag nalaman nila na maganda at mahaba ang exposure ng kanilang idol sa Tween Academy: Class of 2012. May intriga kasi na “one of those” lamang si Joshua sa pelikula ng GMA Films dahil sina Elmo Magalona, Bea Binene, at Barbie Forteza ang ibinebenta bilang mga lead stars.

Nag-deny ang mga sumugod sa premiere night ng pelikula noong Sabado sa SM Megamall Cinema 9 at Cinema 10. Hindi true ang intriga dahil inumpisahan at tinapos nila ang pelikula. Mahaba ang exposure ni Joshua as in hindi ito nagmukhang extra.

Joshua Dionisio

Inintriga rin ang billing ng mga pangalan ng bagets cast ng Tween Academy dahil nauna ang billing
ng name nina Elmo, Barbie, at Bea. Sa totoo lang, naging fair ang GMA Films dahil in order of appearance ang billing ng mga pangalan ng tween stars. Hindi naman kasalanan nina Elmo, Barbie, at Bea na ang mga eksena nila ang unang ipinakita.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007