Dingdong at Piolo, magsasama sa pelikula

MAY nasagap kaming tsika sa birthday party ni Mother Lily na balak magsama sa isang pelikula nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

Bale co-producers daw sina Dingdong at Piolo ng nasabing project kasama ang Reality Entertainment ni Dondon Monteverde. Si Erik Matti ang magdidirek nito.

Mukhang nagpapakaaktibo na si Dingdong sa pagiging producer dahil abala siya sa Aswang Chronicles na bida siya at producer sa ilalim ng kanyang sariling film outfit na Agostodos Pictures. Co-prod niya ito with Reality Entertainment.

Si Erik Matti ang direktor ng nasabing horror flick kung saan kasama ni Dong sina Lovi Poe, Janice de Belen at Joey Marquez.


Iba pa ito sa remake ng Aswang movie ng Regal na bida rin si Lovi kasama sina Paulo Avelino, Jillian
Ward, Albie Casiño at Marc Abaya na dinidirek ni Jerrold Tarog.

Pina-finalize pa kung anong project ang gagawin nina Dingdong at Piolo. Pagmimitingan pa nila ito with Dondon and Direk Erik, pero mukhang nag-commit na ang dalawang hunky actor. Maghahanap pa ng magiging leading ladies nila.

Spring Films ang pa*ngalan ng sariling film outfit ni Piolo na itinayo niya with some friends kabilang si Direk Joyce Bernal. Ang blockbus*ter movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora ang unang pinrodyus ng Spring Films ni Piolo. May guest role dito si Dingdong.

Ang Agostodos Pictures ni Dong (na galing sa birthday niyang Agosto 2), bukod sa Aswang Chronicles ay co-produ*cer ng filmfest entry nila ni Kris Aquino na Segunda Mano.

Kung sakali ay first time magsasama ng Kapuso hunk at Kapamilya hunk sa isang pelikula. Sa TV commercials ay ilang beses nang nagsama sina Dingdong at Piolo tulad ng Pond’s, Clear for Men at Nestle Green Tea.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007