Julie Ann Super Bass Cover Youtube Sensation na!




Hindi makapaniwala si Julie Ann na umabot ng mahigit isang milyon ang viewers sa YouTube ng ni-record niyang Super Bass.

“Nu’ng una po talaga, hindi ko akalain. Kasi, it was taken from my You Stream. Iba-ibang theme po kasi iyun, so, isa po sa kinanta ko ‘yung Super Bass and hindi ko naman akalain na ang taas sa ganu’ng views ‘yung video na ‘yun.

“Sa akin po, siyempre masaya and nakaka-flatter po. Hindi ko naman po iniisip ‘yun na mataas ‘yung views na sinasabi na po nila, YouTube sensation daw po,” parang nahihiya pang pahayag ng young singer ng Party Pilipinas.






Pagkatapos ng Tween Academy, baka sundan na ng isa pang pelikula si Elmo Magalona

This time, ang ka-love team na niyang si Julie Ann San Jose ang makakasama niya.

Naikuwento ito ni Julie Ann pero hindi pa raw sure kung tuloy na ba ito.

Hindi pa raw siya tiyak sa title pero may ideya na raw siya sa kuwento na hindi muna niya nai-share sa amin.

Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang loveteam nila kaya kung matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nila, dito mapapatuna*yan kung todo ang suportang ibibigay ng kanilang fans.




SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007