Jennylyn Mercado is happy with her career

Jennylyn Mercado, Jennylyn Mercado Rosario, Dennis Trillo, Patrick Garcia, 24 Oras, GMA 7 Kapuso Stars, Kapuso, Kapuso Female Celebrities, GMA Pinoy TV,

Masaya raw ang sexy Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa kanyang career at personal life. Kamusta naman kaya sila ni Dennis Trillo ngayong nagkakausap na uli sila ni Patrick Garcia na ama ng kanyang anak?

Naabutan ng entertainment reporter na si Lhar Santiago si Jennylyn sa kanyang sexy pictorial para sa isang magazine. Babaeng nasa gitna ng snow ang concept ng pictorial at dito ay kitang-kita ang pagiging sexy ng aktres.

Pero paglilinaw ni Jen sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, hindi para sa men’s magazine ang naturang mga larawan. Pero papaano nga ba name-maintain ni Jennylyn ang kanyang kaseksihan?

“Wala naman akong maintenance ano lang talaga, maingat ako sa mga kinakain ko, pakonti konti lang. Kung meron man akong kakainin na medyo nakakataba, konti lang," ayon kay Jen, na masaya ring nagbahagi sa kanyang filmfest movie na Rosario.

Ayon sa aktres, very thankful siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging bida sa isang malaking pelikula na ipapalabas sa Disyembre.

“Napakaganda ng ibinigay nilang opportunity sa’ken, so I feel so blessed and ang laki ng pasasalamat ko," dagdag niya.

Kontento raw ang aktres sa kanyang kanyang career at personal na buhay. Next month ay magsisimula rin daw ang bago niyang project sa Kapuso Network.

Kamusta naman kaya sila ni Dennis Trillo na napabalitang nobyo niya ngayong maganda rin ang pagkakaibigan nila ni Patrick Garcia na ama ng kanyang anak na si AJ.

Sagot ni Jen, wala naman daw silang naging problema ni Dennis mula nang magkausap na silang muli ni Patrick para sa kanilang anak.

"Never kaming nagkaproblema ni Dens tungkol sa ganyang mga bagay dahil naiintindihan naman niya lahat e. Kasi una, pinagdaanan niya rin yun, tatay naman siya saka very understanding yung taong ‘yon, paliwanag ni Jennylyn.

Alam ba ni Dennis na magiging sexy ang kanyang pictorial sa magazine?

"Ay hindi! ‘Wag kayong maingay, ‘wag niyong papalabas ‘to ha!," biro ni Jen sabay habol na, “Oo naman (alam ni Dennis)." - FRJimenez, GMANews.TV

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007