DAHU: Mahusay na Dramatic Actress, Bitbit sa Nilipatan ang Pagkaluka-luka!

BLIND ITEM: KAHIT may ilang buwan na buhat nang lumayas ang isang mahusay na dramatic actress sa kanyang sinilangang TV network, bida pa rin siya ng mga kuwentuhan ng kanyang mga nakatrabaho noon.

Hindi raw lingid sa mga ito ang pagluka-lukahan sa propesyon ng aktres, na kasama niyang binitbit sa nilipatang network. Kabisado na raw kasi nila ang work attitude ng aktres, na minsa’y naging sanhi ng pagtaas ng blood pressure ng isa ring magaling na co-star niya noon sa isang soap opera.

‘Eto ang kuwento. Matagal pa’y ipinagpaalam na ng kanyang female co-star sa kabilang production staff ang kanyang Hong Kong vacation, kasama ang anak niya. Aware din daw ang ating bida na hanggang ganitong araw lang maaaring mag-tape ang kanyang kaeksena, saka na lang kukunan ang iba pa nilang eksena pagbalik niya mula Hong Kong.

Last taping day ‘yon ng kanilang teleserye, pareho naman silang sumipot. Marami-rami rin daw ang sequence na kanilang pagsasamahan, pero dahil nakatakda ngang tumulak patungong Hong Kong ang female co-star ng ating bida kinabukasan, umaasa siyang maaga silang magpa-pack-up.

Lumipas na ang alas-dose ng hatinggabi nang may mga eksena pang kukunan sa kanilang dalawa. Aligaga ang staff, nilibot nila ang buong set, pero nawawala ang mahusay na dramatic actress. Noon na lang nila natuklasan na umuwi na pala ito kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho. Ang dahilan: hanggang 12:00 midnight lang siya maaaring magtrabaho.

Du’n na raw tumaas ang BP ng nakakaeksena ng bida, hindi raw puwedeng mangyari ‘yon dahil kung hindi raw makukunan ang eksenang ‘yon, matutuloy nga kinabukasan ang kanyang Hong Kong trip, pero kailangan niyang umuwi agad for the next taping schedule.

Pinaghalong sama ng loob, galit at panlulumo ang lumukob sa female co-star, na ikina-shoot up ng kanyang dugo: 150/100. Nagngingitngit man din daw ang buong staff, partikular na ang naloka nitong direktor, ay ginawan na lang ng paraan ang dapat sana’y eksenang magkasama sila.

Gumamit daw ng stand-in sa aktuwal na eksena, sinakluban ng tela sa mukha na kunwari’y ‘yun ang magaling na aktres, habang umaarte na ang felame co-star sa kanilang confrontation scene.

Sino ang napakahusay at multi-awarded female co-star ng ating bida? She bears a compound name, masarap itong panghimagas (dessert) dahil fruity ang kanyang dating. Sino naman ang ating bida? Napakakontrobersyal niya ngayon over a Twitter war with a younger actress mula sa kanyang pinaggalingang TV station.

By: Ronnie Carasco

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007