Jennylyn Mercado hindi lilipat sa TV5

Jennylyn Mercado, GMA 7 Kapuso Stars, GMA-7, GMA Pinoy TV, Jennylyn Mercado Rosario, Rosario

Itinanggi ng manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila ang napabalitang lilipat na ang aktres sa TV5. May existing network contract si Jen sa GMA-7 for three years at last May lang ito pumirma kaya imposible raw na mag-ober da bakod ito.

Bukod dito, ayon sa manager, wala naman siyang makitang rason para ilipat ang aktres dahil so far ay naaalagaan naman daw ito ng Kapuso at nabibigyan ng magagandang proyekto.

May pelikula si Jennylyn under Cinemabuhay at Studio 5 na film arm ng TV5 – ang Rosario – kaya marahil nagkaroon ng tsismis na lilipat na siya sa Kapatid network.

Ayon kay Tita Becky, sobrang excited na sila for Rosario dahil this early ay napakarami na raw pumupuri sa acting ni Jen. Sobrang ginastusan din daw nang husto ng produksyon ang pelikula at baka raw humakot pa ng awards.

“Si Albert Martinez na director ng movie, sobrang binusisi niya ang pelikula. May time na nagbutas pa siya ng pader para lang makuha niya ang gusto niyang shot sa isang eksena. Ang galing niya, grabe, talagang kinarir niya ang movie,” pahayag pa ni Tita Becky.

At maging si Jen daw ay hindi tumanggap ng ibang projects para lang makapag-concentrate sa movie.

“For two months, hindi siya nag-Party Pilipinas dahil gusto niya, ang concentration niya ay sa Rosario lang. Talagang kinarir din niya nang husto ang movie at natutuwa naman siya na sulit naman ang lahat ng kanyang pagod because ang ganda lumabas ng movie,” kuwento pa ng manager.

Rosario is one of the official entries at the Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre at kasama rin dito ni Jen ang rumored boyfriend na si Dennis Trillo bilang leading man.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007