Marian Rivera sumumpa sa ngalan ng lola nya na di nya tinarayan si Bela Padilla

Bela Padilla, Marian Rivera, Marian Bela, Marian SMDC, Marian Endless Love, Anne Curtis SM, Dingdong Dantes, GMA 7 Kapuso Stars, Kapuso Stars, GMA Pinoy TV,

NANG makausap namin si Marian Rivera sa teyping ng Show Me Da Manny ka-makailan, mariin niyang si-nabi na never niyang tinalakan o tinarayan ang ka-triangle nila ni Dingdong Dan-tes sa Endless Love na si Be-la Padilla.

Pinag-ayos na ng GMA7 executives na sina Wilma Galvante, Ida Henares at An-nette Gozon-Abrogar ang dalawa. Pero sa video ng da-kilang ‘smoking of the peace pipe event’ ay nahuli ng ca-mera ang pagsimangot ni Marian.

“Hindi naman ako plastik. Alang-alang lang sa GMA7 kaya ako nagpunta that day. Basta ‘di ko siya inaway. Isinusumpa ko sa ngalan ng Lola ko na sobra kong mahal,”sey ni Marian na ni banggit ng pangalan ni Bela ay ‘di magawa sa tindi ng sama ng loob.

Siyempre, nag-iingat ang lahat kaya kung mapupuna ninyo’y sa mga huling araw ng EL ay ‘di na pinagsasama ang dalawa sa eksena.

Buti na nga ang ganu’n at walang friction.

Sa tsikang tinanggal si Marian bilang endorser ng SM dahil sa isyu nila ni Bela at si Anne Curtis ang ipinalit sa kanya, aniya: “Hindi po ako pinalitan ni Anne. Kaba-bayad pa nga lang ng SM ng professional fee ko dahil extended ang kontrata ko sa kanila hanggang Decem-ber.‘Yon yatang kay Anne, ibang negosyo ng SM ang ii-endorso niya,” paglilinaw ni Marian.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007