Regine Velasquez chooses to remain Kapuso


Manila, Philippines – KUNG naglipatan sa ibang network ang ilang GMA-7 talents, mananatiling Kapuso si Regine Velasquez. Nag-renew ang Asia’s Songbird ng kontrata for another two years.

Ikinagulat at ikinalungkot ni Regine ang pag-alis ni Iza Calzado sa GMA. Ang akala raw niya’y tsismis lang ang paglipat ni Iza sa ABS-CBN. Noong napanood niya ito sa “ASAP Rocks,” only then naniwala siya, ayon kay Regine in a talk with Tempo sa kanyang solo presscon para sa Valentine concert nila ni Ogie Alcasid. Billed “Mr. & Mrs. A.” Gaganapin ito sa Araneta Coliseum on Feb. 14.



It’s been a long time since nagkasama ang mag-asawa sa isang concert. Ayon kay Regine, hindi pa nila inaamin ang relasyon nila ni Ogie noong huling nag-concert sila. “Mas excited ako ngayon sa concert namin dahil mag-asawa na kami at may baby na. Idea ko ang magkaroon kami ng Valentine concert. This time, mas personal at makikita ng audience ang other side namin ni Ogie. I hope na magustuhan nila,” saad ni Regine.

Special guests sina Dingdong Dantes, Erik Santos, Angeline Quinto, Vice Ganda at Kyla. May surprise appearance ang isang taong malapit sa mag-asawa. Si Randy Santiago ang director.

Naitsika ni Regine na nagkita sila ni David Archuleta sa isang recording studio sa Ortigas. Kasama ni Songbird si Ogie at nakipagkuwentuhan sila kay David. “He’s a nice guy. Sabi niya, noong 16 years old pa lang siya’y napanood niya sa YouTube ang kanta kong “Butterfly” at naging favorite niya ’yon. Napanood din niya ’yung ibang videos ko. Fan ko raw siya at marami siyang ni-research tungkol sa akin. “Parang mahiyain si David. Nag-jamming kami at nag-duet sila ni Ogie ng “Nandito Ako.” Humingi pa siya ng advice sa amin.”

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007