Bianca King, ipinagmamalaki si Dennis Trillo


GOOD KARMA ang mga nangyayari ngayon kay Dennis Trillo dahil nalalampasan pa rin niya ang mga problemang sunud-sunod niyang naranasan. May lovelife na naman siya habang busy sa kanyang mga proyekto sa GMA-7. Natahimik na ang huling eskandalo sa lovelife na kanyang dinaanan last year, at iyon ay ang kontrobersiyal nilang paghihiwalay ni Jennylyn Mercado na dahil sa mga pagbubulgar ng aktres, ay gumewang talaga ang career ng mahusay na aktor dahil marami rin ang nagsimpatiya kay Jen sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bianca King, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Luis Manzano, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, Kapuso Loveteam,

Marami pa umanong puwedeng ibulgar si Jennylyn na lalo pang makasisira sa personalidad ni Dennis. Pero wala nang ganu’ng nangyari, dahil biglang naging maaliwalas ang mundo ni Jen dahil puro masasaya at magagandang salita na ang dala ng kanyang mga kuwento magmula nang magkakilala at mauwi sa relasyon ang pagtitinginan nila ni Luis Manzano. Kahit ang muling pagsasama sa project nina Dennis at Jennylyn ay positibo na rin ang mga sinasabi ng GF ni Luis.

Ngayon ay si Bianca King na ang malapit sa puso ni Dennis. Ipinagmamalaki na ng magandang aktres na boto ang kanyang mommy sa aktor. Inaabangan na ngayon kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Huwag naman daw sanang mangyari, na kung hindi sila magtagal, ay maiba naman ang kuwento ng kanilang hiwalayan sa naging pakikipaghiwalay ni Dennis kina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn at Pauleen Luna. Matuto na rin sana at mag-ingat sa gulo ng pakikipagrelasyon si Dennis. Katulad ng mga naunang nakarelasyon at nakahiwalayan ng aktor, si Bianca rin ay prangka at sobrang palaban kapag naaagrabiyado.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007