Iza Calzado, umalis ng Siyete dahil kay Marian Rivera?!


NAKAUSAP KO si Diana Zubiri at ayon sa aktres, nakatakda siyang pumirma nang panibagong kontrata sa GMA-7. “Ang loyalty ko kasi, nasa Channel 7. At alam nila iyon,” pahayag ng aktres nang makausap namin siya sa Broadway Centrum,a kung saan ay taping ng programang Celebrity Samurai na ang host ay si Joey De Leon para sa TV5.

Iza Calzado, Diana Zubiri, Marian Rivera, Kapuso Female Celebrities, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV,


Ayon kay Diana, no comment daw siya sa ginawang paglipat ni Iza Calzado sa Dos. Sabi ni Diana may dahilan daw siguro si Iza sa ginawa nitong desisyon. “Irespeto na lang natin kung ano ang gusto niya.”


Aminado si Diana na matagal na sila ni Iza sa Siyete pero after Encantadia ay hindi na siya nabigyan ng big project ng kanyang home network. Kung tutuusin ay may mga alok ang dalaga sa ibang network, pero deadma siya dahil mananatili sa kanyang puso ang respeto at pagtanaw nang utang na loob sa Channel 7.

Teka, sa totoo lang, usap-usapan na kaya raw umalis si Iza sa Siyete ay dahil si Marian Rivera lang ang binibigyang-importansiya ng Siyete. Mula nang dumating si Marian sa nasabing network, sina Iza, Karylle at maging si Diana ay hindi na napapansin pa ng nasabing network. “Hay, naku… no comment po ako d’yan. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.” Pero aminado si Diana na, na kay Marian ang atensyon ng Channel 7.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007