Glaiza de Castro: About lipatan issue, "Hindi lahat ng tao nasisilaw sa pera"


AND speaking of “lipatan”, isa rin si Glaiza de Castro sa napapabalitang “inaawitan” na rin ng ibang istasyon para mag-ober da bakod.


Sa panayam ng inyong lingkod kay Glaiza, sinabi niyang hindi raw kasi siya interesado sa bagay na ito kaya hindi na lang niya pinapansin ang mga pasaring sa kanya. 



Glaiza de Castro, GMA 7, GMA 7 Kapuso Stars, Kapuso Female Celebrities, Biritera, GMA 7 Telebabad, Kapuso Telebabad, GMA Pinoy TV,



Say pa rin ng magandang young actress, napaka-busy niya sa GMA7 para pansinin pa ang alok ng ibang network.


Ayaw daw sirain ni Glaiza ang tiwala sa kanya ng Kapuso Network kaya mananatili siyang loyal dito.


Dagdag pa ni Glaiza, sa Siete na siya nag-grow bilang isang aktres at masaya siya sa ginagawang pag-aala-ga sa kanya ng GMA7. Kaya wala raw nakikitang dahilan si Glaiza para umalis ng Kapuso Network.


Paano naman kung big-yan siya ng talent fee at project na tatlong beses na mas malaki kaysa sa binibi-gay sa kanya ng GMA7 na balitang ganito ang bigayan sa nagsisilipatang artista?


Hindi naman daw kasi lahat ng tao nasisilaw sa pera at baka may ibang dahilan kung bakit kailangan nang lumipat ng istasyon ang isang artista.


At para kay Glaiza, kung sakaling lumipat siya , hindi raw pera ang dahilan.


Bisi-bisihan ngayon ni Glaiza bilang drummer ng banda sa Biritera, na mapapanood sa Primetime Telebabad ng Kapuso Network.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007