Solenn, takot makipagrelasyon kay Richard!



Hindi pa alam ni Solenn Heussaff kung sino kina Paulo Avelino at Tom Rodriguez ang makakalampungan niya sa remake ng Temptation Island ng Regal Films. Pero ayon kay Solenn, ngayon pa lang ay kinakabahan na raw siya.

Naloloka raw siya dahil second movie pa lang niya ay may love scene na agad siya.

Siyanga pala, walang idea si Solenn sa original version ng Temptation Island, kaya balak niya itong panoorin.

Kuwento ni Solenn, bukod sa Temptation Island, may isa pa siyang pelikulang gagawin sa Regal bago matapos ang taon, para makumpleto ang 3-picture contract niya sa Regal.

Ang unang movie nga niya sa Regal ay ang My Valentine Girls, na bida si Richard Gutierrez.

And speaking of Richard, consistent sa pagsasabi si Solenn na nasa ‘getting to know’ pa lang sila hanggang ngayon. Pag-amin ni Solenn, mas nangingibabaw raw sa kanya ngayon ang huwag munang magka-boyfriend.

Giit pa ni Solenn, hindi rin niya type na magka-boyfriend ng artista. Ayaw daw niya ng magulong lovelife.

Ayaw din daw niyang sumikip ang mundo niya dahil sa selos. At marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay niya.

Inamin din ni Solenn na ayaw niyang maapektuhan ang friendship at closeness niya sa pamil*ya ni Richard, particular na kina Raymond at Ruffa. Sigurado raw kasi na kapag nag-break sila ni Richard ay puwedeng maapektuhan ang friendship niya sa mga ito.

Siyanga pala, nawiwindang si Solenn sa mabilis na development ng kanyang showbiz career. Hindi na raw siya puwedeng gumawa ng kalokohan sa harap ng maraming tao.

Marami na raw kasi ang nakakakilala sa kanya kahit saan siya magpunta. Hindi na rin daw siya madalas lumabas dahil sunud-sunod ang mga commitments niya. Kung dati raw pagkatapos ng tatlong araw niyang trabaho sa opisina, lalarga na siya sa kung saan niya gustong pumunta. Pero ngayon nakatali siya sa maraming commitments at hindi puwedeng uma*lis basta-basta. Pero, nag-i-enjoy naman siya sa kanyang career at gusto niyang magtagal sa industry.

Ibinalita naman ni Solenn na going strong ang relasyon ng kanyang kapatid na si Erwan Heussaff kay Anne Curtis. Malabo raw pasukin ni Erwan ang showbiz dahil hate nito ang intriga at ayaw niya ng limelight. Pero, naiintindihan daw nito ang trabaho ni Anne.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007