Nagbabangayan ang Managers nila Jennylyn at Dennis

MATAPOS ang alitan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ngayon naman ay ang kani-kanilang manager ang nagbabangayan.

Hindi pinalampas ng manager ni Jen na si Becky Aguila ang panlalait sa kanya sa Twitter ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo.

Sa Twitter account kasi ni Popoy last Monday, nag-blind item ito na may isang talent manager na nagre-resort sa old tricks para mapag-usapan ang alaga.

Sinabi rin nito na laos na ang naturang manager at iniiwan na ng mga alaga.

Kahit blind item ang pag-kaka-tweet ni Popoy, obvious na ang tinutukoy niya ay si Becky Aguila dahil nag-text din daw siya sa abogado nito na si Atty. Joji Alonzo na tigilan na ang pagpi-feed ng kasinungalingan sa mga reporter.

Sa madaling salita, pinagbibinta-ngan ni Popoy si Becky na unang nag-leak sa media ng break-up nina Jen at Dennis at nagpi-feed umano ng mga maling balita tungkol sa dahilan ng break-up, particular na nga ang pananakit diumano ng actor sa actress.

Mabigat daw ang paratang ni Popoy kaya ‘di raw puwedeng ‘di iklaro ng kapwa talent manager.

“Bakit ako ang pinagbibinta-ngan niya na nagpi-feed sa mga reporter? May pruweba ba siya? Nanahimik nga kami at nagulat na lang ako nang kulitin ako ni Roldan Castro para sa official statement regarding the break-up dahil alam na raw nila ang totoo,” paglilinaw ni Becky.

Ang pagbibigay comfirmation daw ni Becky sa break-up ng alaga at ni Dennis ay may blessing din daw umano mismo ni Jen.

Samantala, may nakarating sa aming balita na hindi nagustuhan ni Popoy ang ginagawa ni Becky na pati siya, idinadamay sa break-up nina Jen at Dennis.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007