Pauleen Luna Collapsed sa Eat Bulaga! Buntis Kaya?
Sunday, February 12, 2012
Nag-collapse diumano si Pauleen kanina sa larong Juan For All, All For Juan portion ng Eat Bulaga. Ayon kay Allan K. hinimatay si Pauleen sa sobrang pagod at hilo sa biyahe papunta sa location ng nasabing palaro.
Ipinakuwento ni Vic Sotto kay Allan K kung ano ang nangyari kay Pauleen. Ikinuwento ni Allan na alas-dos ng madaling-araw pa lang ay nasa bahay na niya si Pauleen para sumabay ito papuntang airport sa Davao. Biro naman ni Vic, kung hindi raw ba naghahanap ng maasim si Pauleen.
Pero dagdag niya, nagtatanong lang naman daw siya. May mga balitang kumakalat na may relasyon diumano si Vic Sotto at si Paulene Luna subalit hindi pa ito kumpirmado.
Nag trend pa si Pauleen Luna sa Twitter dahil sa pangyayari.

Bianca King, ipinagmamalaki si Dennis Trillo
Thursday, February 02, 2012
GOOD KARMA ang mga nangyayari ngayon kay Dennis Trillo dahil nalalampasan pa rin niya ang mga problemang sunud-sunod niyang naranasan. May lovelife na naman siya habang busy sa kanyang mga proyekto sa GMA-7. Natahimik na ang huling eskandalo sa lovelife na kanyang dinaanan last year, at iyon ay ang kontrobersiyal nilang paghihiwalay ni Jennylyn Mercado na dahil sa mga pagbubulgar ng aktres, ay gumewang talaga ang career ng mahusay na aktor dahil marami rin ang nagsimpatiya kay Jen sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Marami pa umanong puwedeng ibulgar si Jennylyn na lalo pang makasisira sa personalidad ni Dennis. Pero wala nang ganu’ng nangyari, dahil biglang naging maaliwalas ang mundo ni Jen dahil puro masasaya at magagandang salita na ang dala ng kanyang mga kuwento magmula nang magkakilala at mauwi sa relasyon ang pagtitinginan nila ni Luis Manzano. Kahit ang muling pagsasama sa project nina Dennis at Jennylyn ay positibo na rin ang mga sinasabi ng GF ni Luis.
Ngayon ay si Bianca King na ang malapit sa puso ni Dennis. Ipinagmamalaki na ng magandang aktres na boto ang kanyang mommy sa aktor. Inaabangan na ngayon kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Huwag naman daw sanang mangyari, na kung hindi sila magtagal, ay maiba naman ang kuwento ng kanilang hiwalayan sa naging pakikipaghiwalay ni Dennis kina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn at Pauleen Luna. Matuto na rin sana at mag-ingat sa gulo ng pakikipagrelasyon si Dennis. Katulad ng mga naunang nakarelasyon at nakahiwalayan ng aktor, si Bianca rin ay prangka at sobrang palaban kapag naaagrabiyado.
Iza Calzado, umalis ng Siyete dahil kay Marian Rivera?!
Thursday, February 02, 2012
NAKAUSAP KO si Diana Zubiri at ayon sa aktres, nakatakda siyang pumirma nang panibagong kontrata sa GMA-7. “Ang loyalty ko kasi, nasa Channel 7. At alam nila iyon,” pahayag ng aktres nang makausap namin siya sa Broadway Centrum,a kung saan ay taping ng programang Celebrity Samurai na ang host ay si Joey De Leon para sa TV5.
Ayon kay Diana, no comment daw siya sa ginawang paglipat ni Iza Calzado sa Dos. Sabi ni Diana may dahilan daw siguro si Iza sa ginawa nitong desisyon. “Irespeto na lang natin kung ano ang gusto niya.”
Aminado si Diana na matagal na sila ni Iza sa Siyete pero after Encantadia ay hindi na siya nabigyan ng big project ng kanyang home network. Kung tutuusin ay may mga alok ang dalaga sa ibang network, pero deadma siya dahil mananatili sa kanyang puso ang respeto at pagtanaw nang utang na loob sa Channel 7.
Teka, sa totoo lang, usap-usapan na kaya raw umalis si Iza sa Siyete ay dahil si Marian Rivera lang ang binibigyang-importansiya ng Siyete. Mula nang dumating si Marian sa nasabing network, sina Iza, Karylle at maging si Diana ay hindi na napapansin pa ng nasabing network. “Hay, naku… no comment po ako d’yan. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.” Pero aminado si Diana na, na kay Marian ang atensyon ng Channel 7.
ABS-CBN, ‘di totoong may offer kay Carla (Kundi sa isang magaling na Kapuso star)
Thursday, February 02, 2012
HUWAG daw ipilit ng kampo ni Carla Abellana na may offer sa kanya ang ABS-CBN. Ito ang word of mouth tsika na nag-ugat siyempre sa bakuran ng Kapamilya Network, tumawid ng isang MRT station at nakarating sa GMA.
“We’re not interested in her,” ayon sa isang highly placed source from Channel 2, referring to Carla. Umiikot na kasi ang balitang interesadong sunggaban ng aktres ang offer ng naturang estasyon since she’s presently idle in her mother network.
Truth is, hindi si Carla ang nais sungkitin ng Dos, kundi isang Kapuso star (at saka na namin siya papangalanan until word becomes official).
“Kakaibang hitsura” ang ginawang criterion sa pagkainteresado ng ABS-CBN bukod sa mahusay daw itong umarte (as opposed to Carla who falls short?).
Regine Velasquez chooses to remain Kapuso
Thursday, February 02, 2012
Manila, Philippines – KUNG naglipatan sa ibang network ang ilang GMA-7 talents, mananatiling Kapuso si Regine Velasquez. Nag-renew ang Asia’s Songbird ng kontrata for another two years.
Ikinagulat at ikinalungkot ni Regine ang pag-alis ni Iza Calzado sa GMA. Ang akala raw niya’y tsismis lang ang paglipat ni Iza sa ABS-CBN. Noong napanood niya ito sa “ASAP Rocks,” only then naniwala siya, ayon kay Regine in a talk with Tempo sa kanyang solo presscon para sa Valentine concert nila ni Ogie Alcasid. Billed “Mr. & Mrs. A.” Gaganapin ito sa Araneta Coliseum on Feb. 14.
It’s been a long time since nagkasama ang mag-asawa sa isang concert. Ayon kay Regine, hindi pa nila inaamin ang relasyon nila ni Ogie noong huling nag-concert sila. “Mas excited ako ngayon sa concert namin dahil mag-asawa na kami at may baby na. Idea ko ang magkaroon kami ng Valentine concert. This time, mas personal at makikita ng audience ang other side namin ni Ogie. I hope na magustuhan nila,” saad ni Regine.
Special guests sina Dingdong Dantes, Erik Santos, Angeline Quinto, Vice Ganda at Kyla. May surprise appearance ang isang taong malapit sa mag-asawa. Si Randy Santiago ang director.
Naitsika ni Regine na nagkita sila ni David Archuleta sa isang recording studio sa Ortigas. Kasama ni Songbird si Ogie at nakipagkuwentuhan sila kay David. “He’s a nice guy. Sabi niya, noong 16 years old pa lang siya’y napanood niya sa YouTube ang kanta kong “Butterfly” at naging favorite niya ’yon. Napanood din niya ’yung ibang videos ko. Fan ko raw siya at marami siyang ni-research tungkol sa akin. “Parang mahiyain si David. Nag-jamming kami at nag-duet sila ni Ogie ng “Nandito Ako.” Humingi pa siya ng advice sa amin.”
Glaiza de Castro: About lipatan issue, "Hindi lahat ng tao nasisilaw sa pera"
Thursday, February 02, 2012
AND speaking of “lipatan”, isa rin si Glaiza de Castro sa napapabalitang “inaawitan” na rin ng ibang istasyon para mag-ober da bakod.
Sa panayam ng inyong lingkod kay Glaiza, sinabi niyang hindi raw kasi siya interesado sa bagay na ito kaya hindi na lang niya pinapansin ang mga pasaring sa kanya.
Say pa rin ng magandang young actress, napaka-busy niya sa GMA7 para pansinin pa ang alok ng ibang network.
Ayaw daw sirain ni Glaiza ang tiwala sa kanya ng Kapuso Network kaya mananatili siyang loyal dito.
Dagdag pa ni Glaiza, sa Siete na siya nag-grow bilang isang aktres at masaya siya sa ginagawang pag-aala-ga sa kanya ng GMA7. Kaya wala raw nakikitang dahilan si Glaiza para umalis ng Kapuso Network.
Paano naman kung big-yan siya ng talent fee at project na tatlong beses na mas malaki kaysa sa binibi-gay sa kanya ng GMA7 na balitang ganito ang bigayan sa nagsisilipatang artista?
Hindi naman daw kasi lahat ng tao nasisilaw sa pera at baka may ibang dahilan kung bakit kailangan nang lumipat ng istasyon ang isang artista.
At para kay Glaiza, kung sakaling lumipat siya , hindi raw pera ang dahilan.
Bisi-bisihan ngayon ni Glaiza bilang drummer ng banda sa Biritera, na mapapanood sa Primetime Telebabad ng Kapuso Network.
Diana Zubiri, pipirma ng panibagong kontrata sa GMA7
Thursday, February 02, 2012
NAKAUSAP KO si Diana Zubiri at ayon sa aktres, nakatakda siyang pumirma nang panibagong kontrata sa GMA-7. “Ang loyalty ko kasi, nasa Channel 7. At alam nila iyon,” pahayag ng aktres nang makausap namin siya sa Broadway Centrum,a kung saan ay taping ng programang Celebrity Samurai na ang host ay si Joey De Leon para sa TV5.
Ayon kay Diana, no comment daw siya sa ginawang paglipat ni Iza Calzado sa Dos. Sabi ni Diana may dahilan daw siguro si Iza sa ginawa nitong desisyon. “Irespeto na lang natin kung ano ang gusto niya.”
Aminado si Diana na matagal na sila ni Iza sa Siyete pero after Encantadia ay hindi na siya nabigyan ng big project ng kanyang home network. Kung tutuusin ay may mga alok ang dalaga sa ibang network, pero deadma siya dahil mananatili sa kanyang puso ang respeto at pagtanaw nang utang na loob sa Channel 7.
Teka, sa totoo lang, usap-usapan na kaya raw umalis si Iza sa Siyete ay dahil si Marian Rivera lang ang binibigyang-importansiya ng Siyete. Mula nang dumating si Marian sa nasabing network, sina Iza, Karylle at maging si Diana ay hindi na napapansin pa ng nasabing network. “Hay, naku… no comment po ako d’yan. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.” Pero aminado si Diana na, na kay Marian ang atensyon ng Channel 7.
LOVI DENIES SHE'S SETTLING DOWN SOON
Saturday, January 14, 2012
LOVI Poe sizzles in her role as Natasha, the b!tchy heiress of the Alcantara family who will inherit the riches of her grandpa Don Romualdo (Eddie Garcia) and her dad (Dennis Trillo as a younger man and later, Robert Seña) in “Legacy” that airs on Monday after “Munting Heredera” replacing “Amaya” that ends tonight.
“Anak ako kay Cherie Gil at ako lang ang kinikilalang anak ng dad ko,” she says. “I help manage our company that makes beauty products. Boss ako roon, then I found out na meron palang illegitimate daughter ang dad ko, si Heart Evangelista, na anak niya sa isang dati nilang factory worker, Jackielou Blanco. Siyempre, hindi ko matanggap, lalo na ng malaman kong there’s yet another illegitimate child, si Alessandra de Rossi, na anak naman ng dad ko sa isang bold star, Maritoni Fernandez. Marami kaming eksenang nagtatarayan, na umabot sa sabunutan namin ni Alex.”
What can she say about the revelation of Gov. Chavit Singson that she continued to visit his son Ronald while imprisoned in Hong Kong? “Well, let’s just say na hindi nawala talaga ang suporta ko sa kanya. I’m like that naman with friends, hindi ko basta binibitiwan. He’s a good person.”
Will she be there in Hong Kong when Ronald is released from jail this Saturday? “No, I’m taping for ‘Legacy.’”
It’s said Ronald wants to marry her soon. “It’s not true. He knows I still want to do so much in life. I’m still so young at 22. ‘Di ako ready mag-asawa. Ang daming magandang nangyayari sa career ko right now. Alangan naman talikuran ko na lang 'yun.”
Ryza Cenon on playing supporting roles and not lead roles: "Baka hindi ko pa talaga time."
Friday, January 13, 2012
Ipinarating ng ilang kasamahan sa press ang opinyon nila na dapat ay isa si Ryza Cenon sa ipinu-push ng GMA-7, lalo na't homegrown talent siya bilang female winner ng StarStruck Batch 2.
Halatang natuwa naman si Ryza sa narinig.
Aniya, "Talaga? Pero siguro, baka hindi ko pa talaga time.
"Ayoko kasing magkaroon ng negative thoughts or feeling. Baka naman hindi ko pa talaga time.
"Ayoko kasi na mag-ano sa loob ko na baka ayaw nila sa akin, or baka hindi ako magaling.
"Ayoko ng negative."
Dugtong din niya, "Pero siyempre, masaya naman ako na may mga taong naniniwala sa akin na kaya ko.
"Na kaya kong panghawakan ang isang role na pang-bida.
"Masaya ako na may naniniwala sa akin sa bagay na 'yun."
Para kay Ryza, blessing sa kanya kahit na anumang trabaho ang dumating sa kanya.
Saad niya, "Hindi ko naman nararamdaman na baka may kulang or dapat na ganito, kasi araw-araw naman akong nagwo-work.
"Importante rin naman sa akin ang work. Kasi siyempre, nag-iisa na lang din naman ako.
"So, as much as possible, mas gusto ko ang gusto nilang [management] mangyari sa akin.
"Pero siyempre, paano, 'di ba? Hindi ko rin alam ang gagawin ko.
"Lahat naman ng ipinapagawa nila sa akin, ginagawa ko rin naman.
"Pero kung hindi pa rin nila ako mabigyan, it's okay naman din.
"Willing naman akong maghintay."
"So, siguro, posibleng maging kontrabida dahil may inggit ako sa kanya [Heart's role].
"Kung ano ang nangyayari sa kanya, 'yun ang dream ko, e."
BAGONG PROJECT. Nakapag-taping na si Ryza Cenon ng mga eksena niya para sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Legacy.
Ang role niya rito ay kaibigan ni Heart Evangelista.
Pero hindi lang daw basta kaibigan o "best friend" ng bida ang character na ginagampanan niya.
Kuwento ni Ryza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Legacy noong January 10, "'Yun pala ang role ko, parang may pagka-balimbing ng konti ang dating ng role.
"Kasi, sabi nila, doon susukatin ang pagiging magkaibigan namin sa pagiging inggitera ko, sa ambisyon ko."
Wala raw problema kay Ryza na gumanap ng kontrabida dahil nag-e-enjoy naman siya rito.
Sabi pa niya tungkol sa kanyang role, "Actually, hindi naman siya kontrabida, parang 'yun lang ang pagkakaintindi ko sa role ko.
"So, depende pa rin.
COVER GIRL. Matagal nang tinatanong kay Ryza kung kailan siya papayag magpa-sexy o mag-cover girl para sa men's magazine, lalo pa nga't marami ang naseseksihan sa kanya.
Pero ayon kay Ryza, may gusto pa siyang ma-achieve.
"Gusto ko munang mag-fashion. Maging cover sana ng mga fashion magazine bago ko siguro gawin 'yun.
"Wala namang masamang mangarap, 'di ba? Wala lang.
"Kasi, naisip ko, yung pagko-cover sa men's mag., siguro, 'yun na yung last na gagawin ko.
"Mas masarap pa rin na sana, kung puwede, mabigyan din ng chance na makapag-cover, or makita ko rin yung sarili ko as cover ng fashion mag, 'yun lang," saad ni Ryza.