LJ Reyes returns to work after giving birth to her baby Aki with Paulo Avelino

GMA 7, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Artist Center, GMA Dramarama, GMA News, GMA Pinoy TV, Jackie Rice, Kapuso, Kapuso Female Celebrities, LJ Reyes, Paulo Avelino, Sisid GMA,  Baby Aki, LJ Reyes baby

Sa pagbabalik-showbiz ni LJ Reyes pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng boyfriend niyang si Paulo Avelino na si Aki ay may bago na rin siyang manager.

Kasama na siya sa pool of talents ng PPL Entertainment Inc., na pinamamahalaan ni Perry Lansigan. Magkasunod lang silang pumirma ng isa pang bagong talent ni Perry na si Wendell Ramos.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay LJ sa pamamagitan ng text ay sinabi nitong masayang-masaya siya na tinanggap siya ni Perry bilang alaga nito.

Ayon pa sa StarStruck alumna, gusto naman niyang subukan na may ibang manager since from the beginning ay ang GMA Artist Center na ang humawak ng kanyang showbiz career.

"Tapos na kasi yung contract ko sa Artist Center so, ako naman, parang gusto ko namang subukan or mag-try ng iba," sabi ni LJ. "Nagpapasalamat naman ako na pumayag naman si Kuya Perry na i-manage ako.

"So far, hindi ko pa alam kung ano ang mga magiging plano niya for me, sa career ko, kasi kaka-sign ko pa lang naman. Idi-discuss pa namin yun for sure. But knowing Kuya Perry, baka i-surprise na lang ako niyan."

GOING SEXY? Ang unang project ni LJ Reyes sa pagbabalik-showbiz niya ngayong isa na siyang ganap na ina ay ang afternoon soap na Sisid, na pagbibidahan ni Jackie Rice. May pagkaseksi ang tema ng soap kunsaan si LJ ang magiging main kontrabida ni Jackie.

Simula na ba ito ng pagpapaka-daring niya, lalo pa nga't hindi na nasundan ang daring move niya simula nang mag-cover girl siya sa FHM?

"Siguro!" sagot ni LJ. "Kasi, the project itself daw, as Direk Ricky Davao have told us, is very sexy and intimate. Kaya lahat daw kami, kailangang magpa-sexy sa show."

Hindi naman mahihirapan sa aspetong ito si LJ. Kung titingnan kasi siya ngayon ay para siyang hindi nanganak. Mas sexy pa yata siya ngayon kumpara noong hindi pa siya nabubuntis.

EAGER TO WORK. Na-miss daw ni LJ Reyes ang pag-arte kaya very eager siyang mag-taping ulit at makabalik sa trabaho. Pero alam daw niyang kapalit nito ay mababawasan ang oras niya sa anak nila ni Paulo.

Pero aniya, "Naku, wala naman po yatang magulang ang kayang iwan ang anak. Pero, baka magutom kami kung hindi ako magwo-work! Joke lang!

See baby Aki latest picture http://plixi.com/p/81268833 tweeted by Ryza Cenon http://twitter.com/#!/iamryzacenon

"Hindi ko naman talaga siya iiwan. Kapag may chance na isama ko siya kahit sa taping, isasama ko siguro si Aki. Or kapag si Paulo naman ang walang work, siya naman ang in-charge."

by: Rose Garcia

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007