Chika Minute

Hindi nawawalan ng regular TV show si Luigi Revilla mula nang maging exclusive contract star siya ng GMA 7.

Anak ni Senator Bong Revilla si Luigi na ipinakilala sa Koreana, ang katatapos na afternoon drama series ni Kris Bernal.

Hindi nabakante si Luigi nang magwakas ang Koreana dahil isinama siya sa cast ng Magic Palayok, ang early primetime show ng Kapuso network na napapanood bago ang 24 Oras.

***

Itinanggi ng isang GMA Artist Center insider na pinatay ang karakter ni Bela Padilla sa Machete dahil hindi siya nakakatulong sa show.

Hindi raw mawawala si Bela sa Machete dahil may twist ang kuwento na muling magbabalik sa kanya sa nabanggit na programa.

***

Hindi na maligaya ang sikat na aktres sa kanyang top-rating show kaya nag-iisip siya na umalis.

Hindi pa alam ng co-stars ng aktres ang plano niya pero kung matutuloy ang kanyang pag-alis, posibleng isara na lamang ang TV show.

Ang aktres ang buhay ng TV show na matagal nang namamayagpag sa ere. Kilala ang aktres sa pagiging malihim kaya walang nakakaalam sa tunay na dahilan ng disappointment niya sa sariling programa.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007