Heart Evangelista Avoids her Parents


Heart Chiz, Heart Evangelista, Chiz Escudero, Senator Chiz, Forever, Kapuso Dramarama, GMA 7 Kapuso Stars,

WALA sa plano ni Heart Evangelista na magtrabaho agad pagkatapos niyang tapusin ngayong April ang Forever. Feeling ni Heart ay kailangan niyang mag-unwind muna at kalimutan ang anumang problemang dumating sa buhay niya at boyfriend na si Sen. Chiz Escudero.

Makakasama niya sa pagbabakasyon ang kanyang kapatid na nakakaunawa sa takbo ng buhay niya ngayon. Kahit mahal na mahal pa rin ni Heart ang kanyang parents, may sarili na siyang paninindigan sa buhay na gusto naman niyang ipatupad sa sarili.

Ani Heart: “Mahal na mahal ko ang nanay at tatay ko. Pero, may sapat na akong pag-iisip ngayon na magdecide sa sarili ko. Alam ko na ang ginagawa ko. Kaya ako umalis sa condo ko na malapit sa
bahay ng parents ko ay para maiwasan ang magkita-kita kami. Ayaw ko nang dagdagan ang problema pag nagkita-kita pa kami ngayon.”

Sa ngayon ay may tinitirahang sariling condominium si Heart, kasama ang tapat na alalay. Bihira silang magkita ni Sen. Chiz dahil busy sa campaign ang boyfriend. Pero, may communication sila araw-araw.

Si Direk Ricky Davao na direktor ng Forever ang nagsabi sa amin na talagang “balde-balde” ang iniluha ni Heart nang pumutok ang istorya tungkol sa parents niya. Nakapagtaping pa rin sila, pero hirap si Heart na pigilan ang kanyang pag-iyak. Pero, never daw itong nag walkout sa set si Heart kahit may mabigat na problema.

Last two weeks na lang ang Forever nina Heart at Geoff Eigenmann. Puspusan ang ginagawa nilang taping lalo pa't panay na mahihirap na eksena ang kanilang ginagawa ngayon.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007