Angel, binisita ng isang batang malapit nang mamatay!
Thursday, April 19, 2007
Nadatnan namin si Direk Gina Alajar kung saan kinukunan ang isang eksena ni Angel Locsin sa ipinoprodyus niyang movie, ang Angel. May espesyal na bisita ang aktres, si Trixie Lou Reyes na ayon sa doktor na tumitingin dito ay isang taon na lang ang itatagal ng buhay. Last year na-detect na may muscular dystrophy scoliosis ang bata na 11 years old lang.
Isa itong muscular disease na unti-unting nagpapahina kay Trixie hanggang magdala sa kanya sa kamatayan.
Masyadong na-touched ang ina ni Trixie dahil napasaya ni Angel ang kanyang anak na avid fan nito.
"Binuhat ni Angel ang anak ko mula sa first floor hanggang third floor. Ganun pala ito kalakas. Tapos niyakap niya at hinalikan. Na-starstruck ang anak ko at di makapagsalita. Hindi alam ni Trixie na may taning na ang buhay niya at gusto ko siyang mapa saya kaya dinala ko sa shooting ng paborito niyang aktres.
"Lagi niyang pinupuntahan si Trixie tuwing taping break para kumustahin ang lagay nito na nakaupo lang at nahihiyang mahiga. Ang bait-bait ni Angel at asikasung-asikaso kami ng anak ko. Wala na siyang tatay dahil namatay ang mister ko five years ago. Hindi na rin ako nagtatrabaho muna para tingnan ang anak ko," anang ina ng may sakit na bata.

SHARE THIS POST