Dennis Trillo still has feelings for Angel Locsin
Thursday, February 08, 2007
All's well that ends well between Dennis and Mother Lily.
Maganda ang naging pagsisimula ng taon para sa young actor na si Dennis Trillo. Nauna na itong nakipagbati ni Mother Lily Monteverde noong January 24 sa Imperial Palace Suites.
Bago kasi natapos ang 2006 ay nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Dennis, ang manager nitong si Popoy Caritativo at si Mother Lily nang hindi matuloy ang paglabas ng young actor sa Mano Po 5. Ang buong-akala kasi nina Dennis at Popoy ay si Dennis ang magiging kapareha ni Angel Locsin sa 2006 Metro Manila Film Festival entry, pero nagulat sila nang ibigay ni Mother Lily ang role kay Richard Gutierrez.
Noong January 24 ay sinorpresa nina Dennis at Popoy si Mother Lily sa Imperial Palace Suites, na pag-aari ng Regal matriarch. Kasama noon ni Mother Lily ang kanyang Wednesday Club (isang grupo na binubuo ng mga iba't ibang tao mula sa entertainment industry). Nagkataon namang nagpapamasahe si Mother Lily nang dumating sina Dennis at Popoy kaya hindi agad nakita ng nakadapang movie producer ang dalawa. Nilapitan at binigyan ng mga bulaklak ni Dennis si Mother Lily bilang hudyat ng pakikipag-ayos niya rito.
"Love ko naman talaga si Mother [Lily] ever since dahil ang laki talaga ng utang na loob namin sa kanya. Isa siya sa mga nagbigay ng malalaking breaks sa akin sa pelikula," pahayag ni Dennis sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Super Twins last February 5.
(Ang kauna-unahang pelikula ni Dennis ay ang Aishite Imasu noong 2004 na nagbigay kay Dennis ng maraming acting awards.)
Paliwanag ni Dennis, "Kaya naman kami nanahimik din ng ganung katagal dahil sa sobrang pagmamahal namin sa kanya. Ayaw naming magsalita anything against her. So pinalipas namin lahat hanggang sa dumating yung [tamang] panahon. Tampuhan lang yun ng anak at ina."
Dagdag pa niya, "Kahit anong tampuhan naman talaga, hindi mo naman kailangang patagalin. Meron ding pagkakaintindihan. Kailangang simulan nating fresh yung taon. Mahirap magtrabaho na mayroon kang hinanakit na nararamdaman."
Sa ngayon ay inihahanda na ni Mother Lily ang susunod na pelikula ni Dennis sa Regal Entertainment.
VALENTINE'S DAY. Bagama't malapit na ang Valentine's day, wala pa raw plano si Dennis.
"Valentine's ko? Hindi pa malinaw ngayon dahil puro trabaho talaga, lalo na magsisimula na yung Super Twins. Kung malibre... Pero kung abutan ako ng Valentine's sa trabaho, okay lang din," sabi ni Dennis, na napakatahimik pagdating sa kanyang pribadong buhay. Ngunit bulung-bulungan sa apat na sulok ng showbiz na si Dennis at ang Bb. Pilipinas World 2005 na si Carlene Aguilar pa rin hanggang ngayon.
ANGEL LOCSIN. Ngayong single ulit si Angel Locsin pagkatapos makipaghiwalay sa boyfriend nitong si Oyo Sotto, tinanong si Dennis kung may balak ba siyang ituloy ang panliligaw kay Angel. Matatandaang habang ginagawa nila noon ang Mulawin ay nagkaroon ng "mutual understanding" sina Dennis at Angel, ngunit hindi rin ito nagbunga ng mas malalim na relasyon.
"Ayoko namang makialam. Kahit papaano, kaibigan ko si Oyo. Ayokong manghimasok kaagad. Sa ngayon, ayokong pumasok sa sitwasyon na hindi ko kayang i-handle e," safe na sagot ni Dennis.
Pagpapatuloy pa niya, "Ayoko namang pilitin, 'di ba? Hindi ko pa masasabi. ‘Pag nagkaroon na lang ng pagkakataon. Sobrang busy kasi siya [Angel]."
May nararamdaman pa ba siya kay Angel?
"Siyempre naman," pag-amin ni Dennis. "Kasi kahit na hindi umubra yung sa amin noon, ang magandang nangyari dun—na-develop yung rapport namin, at the same time, yung pagkakaibigan namin—kaya walang problema dun."
Bukod sa Mulawin ay nagtambal din sina Dennis at Angel sa mga fantaserye ng GMA-7 na Darna at Majika, at sa horror flick na TXT.
Sa Super Twins naman, na magsisimula sa February 12, ay ginagampanan ni Dennis ang papel ni Eliseo na siyang magiging mentor ng mga batang sina Sha-sha (Nicole Dulalia) at Tin-Tin (Ella Cruz). Kasama ni Dennis dito sina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Patrick Garcia, Camille Prats, Bianca King, Tanya Garcia, Marian Rivera, at marami pang iba.

SHARE THIS POST