Showing posts with label Bianca King. Show all posts
Showing posts with label Bianca King. Show all posts

Bianca King, ipinagmamalaki si Dennis Trillo


GOOD KARMA ang mga nangyayari ngayon kay Dennis Trillo dahil nalalampasan pa rin niya ang mga problemang sunud-sunod niyang naranasan. May lovelife na naman siya habang busy sa kanyang mga proyekto sa GMA-7. Natahimik na ang huling eskandalo sa lovelife na kanyang dinaanan last year, at iyon ay ang kontrobersiyal nilang paghihiwalay ni Jennylyn Mercado na dahil sa mga pagbubulgar ng aktres, ay gumewang talaga ang career ng mahusay na aktor dahil marami rin ang nagsimpatiya kay Jen sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bianca King, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Luis Manzano, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, Kapuso Loveteam,

Marami pa umanong puwedeng ibulgar si Jennylyn na lalo pang makasisira sa personalidad ni Dennis. Pero wala nang ganu’ng nangyari, dahil biglang naging maaliwalas ang mundo ni Jen dahil puro masasaya at magagandang salita na ang dala ng kanyang mga kuwento magmula nang magkakilala at mauwi sa relasyon ang pagtitinginan nila ni Luis Manzano. Kahit ang muling pagsasama sa project nina Dennis at Jennylyn ay positibo na rin ang mga sinasabi ng GF ni Luis.

Ngayon ay si Bianca King na ang malapit sa puso ni Dennis. Ipinagmamalaki na ng magandang aktres na boto ang kanyang mommy sa aktor. Inaabangan na ngayon kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Huwag naman daw sanang mangyari, na kung hindi sila magtagal, ay maiba naman ang kuwento ng kanilang hiwalayan sa naging pakikipaghiwalay ni Dennis kina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn at Pauleen Luna. Matuto na rin sana at mag-ingat sa gulo ng pakikipagrelasyon si Dennis. Katulad ng mga naunang nakarelasyon at nakahiwalayan ng aktor, si Bianca rin ay prangka at sobrang palaban kapag naaagrabiyado.

Random Pix: Bianca King, Bubbles Paraiso with Kapamilya star Cristine Reyes



Cristine Reyes really still got along with her Kapuso friends :)

Dingdong Dantes reacts to "kissing photo" of ex-gf Antoinette Taus

"Direk Dingdong" na ang tawag sa young actor-director na si Dingdong
Dantes ng mga taong inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng "Daddy's Angel," isa sa episodes ng trilogy movie na Angel, last April 18 sa Kamuning Elementary School. Ang naturang pelikula ay initial venture ni Angel Locsin at ng manager
nitong si Becky Aguila sa kanilang Eagle Eye Productions.

During the lunch break ay nakausap ng PEP si Dingdong na very
thankful sa mga producers niya. Flattered daw siya nang kausapin siya personally ni Angel upang magdirek ng "Daddy's Angel" na nagtatampok kina Marvin Agustin, Valerie Concepcion, Paolo Paraiso, Nash Aguas, at Ms. Jaclyn Jose. Ito ang first movie directorial job ni Dingdong, bagama't ilang beses na siyang nakapagdirek sa TV (kabilang na ang Kakabakaba Adventures at ilang episodes ng Atlantika).

"Hindi ako pressured sa oras. Nagagawa at napag-aaralan ko ang gusto kong gawin. Bago ako pumunta sa location, nabasa ko na ang script, pero mas pinag-aaralan ko ang gagawin ko kapag nasa set na ako. Kung minsan kasi, hindi maiiwasan na may aberya. Like noong mag-shooting kami sa New Bilibid Prison—dahil nakakulong doon si Marvin—nagkaroon ng aberya nang may mga pumasok na inmates sa set namin. Pero napaka-supportive naman ng mga officials doon at madaling naayos ang problema," kuwento ni Dingdong.

Dagdag pa niya, "Naging madali para sa akin ang execution ng mga
eksena dahil sa mahusay na acting ng mga artista ko. Open din ako sa suggestions nila dahil as an actor and director, alam ko kung ano ang napi-feel nila. Anumang suggestions nila, pinag-aaralan namin at kung okay, itinutuloy namin. Isa pa, kung na-feel nila ang eksena, ibig sabihin, tama ang ginawa namin.

"Kung minsan kahit mahirap ang trabaho namin, kapag nakita mo naman na maganda ang nagawa mo, walang katumbas na pera ang kasiyahang nararamdaman mo. Ito nga, dahil last shooting day na namin, gusto ko nang makita ang rushes," excited pa niyang sabi.

Samantala, hiningi rin namin ang comment ni Dingdong sa balitang nagtampo raw siya sa girlfriend niyang si Karylle kaya nagkakalabuan sila ngayon. Although inamin niyang nagtampo nga siya, matibay pa rin daw ang relasyon nilang dalawa.

"Totoo na medyo nagtampo ako kay Karylle noong birthday niya last March 20 kasi tumanggap siya ng shooting ng isang indie film sa Bacolod noong araw na `yon. Siyempre, gusto ko namang kasama ko ang girlfriend ko sa birthday niya. Pero wala po `yon," paliwanag ni Dingdong.

"Pinagsabay na lang namin yung celebration ng birthday niya at yung second anniversary namin noong April 3. I treated her sa isang dinner in Tagaytay. Doon ko na rin ibinigay sa kaniya ang
birthday/anniversary gift ko—isang spear made of steel, replica ng spear na ginamit niya as Alena sa Encantadia. Naka-display na ito sa room niya. Matagal na kasi niyang gustong magkaroon no'n, as a
remembrance daw sa first telefantasya namin together sa GMA-7."

Nakita na ba niya o aware ba siya sa naglabasang "kissing scene" sa Internet and tabloids ng dati niyang girlfriend na si Antoinette Taus at ng friend nitong si Bianca King?

"Nakita ko, pero hindi ako nagulat. Natawa na lang ako. Alam ko kung gaano ka-close sina Toni at Bianca at matagal na talaga silang ganoon kung magbatian at mag-goodbye. Kahit noon pang kami ni Toni, ganoon na sila. Hindi lang nila ipinakikita sa harap ko. Wala pong lesbian sa kanila, I'm sure of that," pagtatapos ni Dingdong.

Bianca King confirms kissing Antoinette Taus

Show of sisterhood, hindi lesbian love ang kissing picture nina Bianca King and Antoinette Taus.

Right after Holy Week, kumalat na sa Internet ang isang litrato nina Bianca at Toni (palayaw ni Antoinette) kung saan hawak ni Bianca ang mukha ni Toni habang nagli-lips to lips sila. Kuha raw ito sa Boracay.

Nang nag-guest si Bianca sa S-Files last Sunday, April 15, kinumpirma ni Bianca na tunay nga ang halikan at hindi ito peke.

"I'm not gonna deny that's me and Toni doing it," sabi ni Bianca. "Toni and I, we're very close. We're like sisters. Ang close ko talaga sa kanya."

Ikinuwento ni Bianca kung paano niya na-discover ang kissing photo nila ni Toni.

Ani Bianca, "Mahilig kasi akong mag-Internet, so two weeks ago nakita ko na siya sa blog ng isang lalake na medyo malisyoso yata ang isip. Tinawagan ko siya [Toni] sa States. Sabi ko, ‘Yun ba yung galing sa camera mo?' ‘Yeah, why?' ‘Did you put it in your Multiply account?' ‘Yes, why?' ‘Are you crazy?!'"

Dagdag pa niya, "The photo [was taken] a couple of weeks before she left to the States. We were very sentimental. So we were taking pictures with her [Toni] camera."

Nag-drama si Bianca na mami-miss niya raw ito so hinalikan niya sa labi. Tiyempo namang may camera that time so the kiss was immortalized in print.

"It's just normal," sabi ni Bianca. "Yun nga lang, nagmukha lang akong masyadong passionate yata kasi napahawak ako sa face niya. It was a sisterly kiss, non-malicious, unlustful, smack kiss... There was simply no malice. We were aware that it was happening."

Bianca stressed during the interview that she likes boys, so does Toni.

The young actress also clarified kung bakit siya nagsalita tungkol sa kumalat na litrato nila ni Toni.

"Ayokong maka-offend," aniya. "If ever I offended anyone, if ever I alarmed anyone, I apologize for that. I want you to know that I am a very loving, emotional, affectionate, sympathetic, compassionate person. Yun lang ang explanation doon.

"Lesson learned, I'm not blaming anyone for what happened although I am disappointed na kumalat nga siya. I take full responsibility for my actions," panghuling pahayag ni Bianca

Dennis Trillo still has feelings for Angel Locsin

All's well that ends well between Dennis and Mother Lily.

Maganda ang naging pagsisimula ng taon para sa young actor na si Dennis Trillo. Nauna na itong nakipagbati ni Mother Lily Monteverde noong January 24 sa Imperial Palace Suites.

Bago kasi natapos ang 2006 ay nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Dennis, ang manager nitong si Popoy Caritativo at si Mother Lily nang hindi matuloy ang paglabas ng young actor sa Mano Po 5. Ang buong-akala kasi nina Dennis at Popoy ay si Dennis ang magiging kapareha ni Angel Locsin sa 2006 Metro Manila Film Festival entry, pero nagulat sila nang ibigay ni Mother Lily ang role kay Richard Gutierrez.

Noong January 24 ay sinorpresa nina Dennis at Popoy si Mother Lily sa Imperial Palace Suites, na pag-aari ng Regal matriarch. Kasama noon ni Mother Lily ang kanyang Wednesday Club (isang grupo na binubuo ng mga iba't ibang tao mula sa entertainment industry). Nagkataon namang nagpapamasahe si Mother Lily nang dumating sina Dennis at Popoy kaya hindi agad nakita ng nakadapang movie producer ang dalawa. Nilapitan at binigyan ng mga bulaklak ni Dennis si Mother Lily bilang hudyat ng pakikipag-ayos niya rito.

"Love ko naman talaga si Mother [Lily] ever since dahil ang laki talaga ng utang na loob namin sa kanya. Isa siya sa mga nagbigay ng malalaking breaks sa akin sa pelikula," pahayag ni Dennis sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Super Twins last February 5.

(Ang kauna-unahang pelikula ni Dennis ay ang Aishite Imasu noong 2004 na nagbigay kay Dennis ng maraming acting awards.)

Paliwanag ni Dennis, "Kaya naman kami nanahimik din ng ganung katagal dahil sa sobrang pagmamahal namin sa kanya. Ayaw naming magsalita anything against her. So pinalipas namin lahat hanggang sa dumating yung [tamang] panahon. Tampuhan lang yun ng anak at ina."

Dagdag pa niya, "Kahit anong tampuhan naman talaga, hindi mo naman kailangang patagalin. Meron ding pagkakaintindihan. Kailangang simulan nating fresh yung taon. Mahirap magtrabaho na mayroon kang hinanakit na nararamdaman."

Sa ngayon ay inihahanda na ni Mother Lily ang susunod na pelikula ni Dennis sa Regal Entertainment.


VALENTINE'S DAY. Bagama't malapit na ang Valentine's day, wala pa raw plano si Dennis.

"Valentine's ko? Hindi pa malinaw ngayon dahil puro trabaho talaga, lalo na magsisimula na yung Super Twins. Kung malibre... Pero kung abutan ako ng Valentine's sa trabaho, okay lang din," sabi ni Dennis, na napakatahimik pagdating sa kanyang pribadong buhay. Ngunit bulung-bulungan sa apat na sulok ng showbiz na si Dennis at ang Bb. Pilipinas World 2005 na si Carlene Aguilar pa rin hanggang ngayon.

ANGEL LOCSIN. Ngayong single ulit si Angel Locsin pagkatapos makipaghiwalay sa boyfriend nitong si Oyo Sotto, tinanong si Dennis kung may balak ba siyang ituloy ang panliligaw kay Angel. Matatandaang habang ginagawa nila noon ang Mulawin ay nagkaroon ng "mutual understanding" sina Dennis at Angel, ngunit hindi rin ito nagbunga ng mas malalim na relasyon.

"Ayoko namang makialam. Kahit papaano, kaibigan ko si Oyo. Ayokong manghimasok kaagad. Sa ngayon, ayokong pumasok sa sitwasyon na hindi ko kayang i-handle e," safe na sagot ni Dennis.

Pagpapatuloy pa niya, "Ayoko namang pilitin, 'di ba? Hindi ko pa masasabi. ‘Pag nagkaroon na lang ng pagkakataon. Sobrang busy kasi siya [Angel]."

May nararamdaman pa ba siya kay Angel?


"Siyempre naman," pag-amin ni Dennis. "Kasi kahit na hindi umubra yung sa amin noon, ang magandang nangyari dun—na-develop yung rapport namin, at the same time, yung pagkakaibigan namin—kaya walang problema dun."

Bukod sa Mulawin ay nagtambal din sina Dennis at Angel sa mga fantaserye ng GMA-7 na Darna at Majika, at sa horror flick na TXT.

Sa Super Twins naman, na magsisimula sa February 12, ay ginagampanan ni Dennis ang papel ni Eliseo na siyang magiging mentor ng mga batang sina Sha-sha (Nicole Dulalia) at Tin-Tin (Ella Cruz). Kasama ni Dennis dito sina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Patrick Garcia, Camille Prats, Bianca King, Tanya Garcia, Marian Rivera, at marami pang iba.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007