Sen. Chiz, mahiwaga ang sagot tungkol kay Heart Evangelista


Dalawang beses na raw nag-dinner sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero kaya naman maugong ang mga balitang nagkakamabutihan na raw ang dalawa.

Kamakailan ay nagkahiwalay na sina Heart at ang model-actor na si Daniel Matsunaga kaya open daw ang dalagang makahanap ng bagong mga kaibigan ngayon. “To gain some new friends or I get to know new people. Kung may mga mag-i-invite, why not ‘di ba,” nakangiting pahayag ni Heart.

Hindi raw nangangahulugang may romantikong namamagitan na sa pagitan nina Heart at ng senador kahit pa ilang beses na silang nakikitang magkasama. “Hindi ko hinahayaang makialam ang pamilya o personal kong buhay sa trabaho ko at hindi rin puwede at dapat makialam ang trabaho sa personal na buhay ko, makahulugang pahayag naman ni Senator Chiz sa isang panayam tungkol sa isyu.

Reports from JAMES C. CANTOS


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007