Jennylyn will undergo tonsillectomy

GMA, GMA 7, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, Jennylyn Mercado, Jennylyn Mercado Rosario, Kapuso Female Celebrities, Kapuso Stars, young kapuso actress

Kuwento ng manager ni Jennylyn Mercado na si Tita Becky Aguila, nagdesisyon na si Jen na ipatanggal ang kanyang tonsil para matigil na ang pabalik-balik ng sakit niyang tonsillitis.

Ang tonsillitis daw ni Jennylyn Mercado ang isa sa mga rason kung bakit madalas na nagkakasakit ang aktres at isinusugod sa ospital.

Dahil daw sa sakit na `yon, hindi makagawa ng show o concert si Jennylyn Mercado, na madalas niyang gawin noong hindi pa siya nagkakaroon ng sakit na ganito.

Kuwento nga ni Tita Becky, dapat ay marami na silang nagawang show o concert ni Jennylyn, kaya nga lang, hindi ito natutuloy dahil sa madalas na pagsulput-sulpot ng ubo at lagnat ng aktres.

At ayon naman daw sa doctor ni Jennylyn Mercado, maaari na nitong ipatanggal ang kanyang tonsil para maiwasan na rin ang posibleng pagkakaroon ng heart disease ng aktres.

Tiniyak naman ng doctor ni Jennyly na hindi maapektuhan ang singing voice ng aktres kapag natanggal na ang kanyang tonsil.


Anyway, nu’ng birthday daw ni Empress ay pinilit pa rin ni Jennylyn na kumanta kahit masama ang pakiramdam nito. Hindi raw kasi nito matanggihan si Empress dahil close ito sa dalaga.

At nagtagal lang daw ng konting oras si Jennylyn sa party, at pagkatapos ay umuwi na rin para makapagpahinga.

Kuwento pa ni Tita Becky, Isang buwang magpapahinga si Jennylyn matapos ang operasyon. At pagbalik daw ni Jennylyn ay agad na nitong haharapin ang bagong project sa GMA 7.

Ang Little Star ang huling serye na ginawa ni Jen sa GMA 7.

Balak na rin ni Tita Becky na pagtuunan ng pansin ang pagkanta ni Jennylyn. Inaasahan ni Tita Becky na makakapag-usap na sila ng Viva Records para sa dalawang album pa na natitira na dapat gawin ni Jen.

Meron din daw dalawang movies na gagawin si Jennylyn, mula sa tatlong pelikula na pinirmahan nila sa Viva Films.

Siyanga pala, sa March 1 and 2 ay nasa Hong Kong si Jennylyn para dumalo sa red carpet premiere ng ‘Rosario’, kasama ang producer nila na si Mr. Manny V. Pangilinan.

by:Rey pumaloy

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007