Rocco gustong bumalik sa pagna-nurse

Rocco Nacino, Jennylyn Mercado, Koreana Kris Bernal, lovi poe,  GMA 7 Kapuso Stars, GMA-7, Kapuso, Kapuso Female Celebrities, Kapuso Male Celebrities

Nurse first si Rocco Nacino bago naging artista, kaya nakisimpatiya ito sa volunteer nurse sa Upi, Maguindanao na na-rape at sinaktan.

“Nakalulungkot dahil ginawa lang niya ang trabaho niya tapos ganun pa ang nangyari. Sana justice will prevail,” sambit ni Rocco.

Kapag wala na siya sa showbiz, gustong balikan ni Rocco ang pagiging medical worker, pero matagal pa yata ’yun dahil maganda at mabilis ang takbo ng kanyang career. Sa Monday, eere na ang Koreana kung saan isa siya sa dalawang kapareha ni Kris Ber*nal.

Flattered si Rocco sa mga projects na dumadating sa kanya at ayaw niyang lumaki ang kanyang ulo at sa halip, tini*tingnan na challenge ang nakaka-appreciate sa kanya. Naniniwala siyang mabibigyan ng same opportunity given to him sina Steven Silva at Enzo Pineda.

Hindi demotion ang tingin ni Rocco na inalis siya sa soap nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe at inilipat sa Koreana. Masaya siya kahit saan siya ilagay dahil trabaho pa rin ang haha*rapin niya at gusto niya ang karakter niya sa Koreana bilang sangganong si Benjo.

Masaya ring ibinalita ni Rocco na magkaka-pelikula na rin siya at last Tuesday ang storycon ng project under APT Entertainment.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007