Tasya Fantasya Na-Extend

Yasmien
May go signal ang GMA-7 na pabubuuin ang full season contract ng comeback team-up nina Yasmien Kurdi and Rainier Castillo na Tasya Fantasya dahil kung medyo hirap man ito the past weeks sa ratings, hindi naman ito nababawasan ng commercials at full-load pa rin ang palabas.

Personal opinion, baka siguro kailangan lang na umere ang Tasya Fantasya on time para may chance na makalaban ito dahil admittedly palaging exten- ded ang sinusunda nito.

The good news is that may bago nang susundan ang Tasya Fantasya starting today, after Pinoy Idol Extra hosted by Karylle and Rhian Ramos.

Mamaya, magbabalik ang nag-cameo performance last week na sina Jennica Garcia and Mart Escudero for full-guest appearance.

Mapupunta si Tasya sa mundo kung saan napaka-raming Siamese twins.

Si Jennica ang kakambal-tuko ni Yasmien at si Mart naman kay Rainier.

Tasya Fantasya is directed by Mac Alejandre.

Katrina Halili has secret affair with Dr. Hayden Kho?

Katrina Halili
Kapwa pinabulaanan nina Katrina Halili at ng magkasintahang sina Dr. Hayden Kho at Dr. Vicki Belo ang balitang may "secret affair" sina Katrina at Hayden. Sa magkahiwalay na panayam sa kanila ng StarTalk kahapon, May 24, ay sinabi ng dalawang panig na walang katotohanan ang naturang balita.

"Hindi ko po alam kung saan galing ‘yon. Basta okay po kami ni Dr. Belo, mataas po yung respeto ko sa kanila. Huwag naman po sana kaming gawan ng issue," sabi ni Katrina sa StarTalk host na si Joey de Leon.

Samantala, pinabulaanan naman ni Katrina ang isa pang balita na nagpupunta si Hayden sa condo unit niya.

"Ano po ang gagawin ko dun?" sagot niya sa tanong ni Joey.

Hindi rin daw totoo na si Katrina ang nagpupunta sa condo unit ni Hayden. Nagkikita lang daw sila sa clinic ni Dr. Hayden kapag may appointment ang star ng Magdusa Ka.

"Okay po kami. Walang pong isyu sa amin. Tigilan niyo ako. Hindi porke't mabait na ako, hindi ko kayo papatulan!" biro ng leading lady na ngayong si Katrina.

THE DOCTORS ARE IN. Sa taped interview naman kay Dr. Belo, sinabi nitong: "Alam mo, baby kasi namin si Katrina. Kasi si Katrina, pasyente naming ilang taon na. And napakabait na bata, sobrang sweet, sobrang bait. Si Katrina, hindi ako mai-insecure kasi napaka-loyal ng batang ‘yan. She'll never do anything like that... Alam ko naman maraming magkekerengkeng kay Hayden ‘pag pumasok na siya sa showbiz, pero hindi si Katrina."

Ayon naman kay Hayden, "Okay lang yung mga inintriga, pero huwag naman sanang parang pinapaniwala yung mga tao kasi naaapektuhan yung... Sa ngayon wala pa, pero makakaapekto ‘yan sa relationship namin ni Vic, and siyempre sa akin din. Napakabait ng batang ‘yon [Katrina]. Very sweet yung image niya, huwag naman sana."

Dagdag pa ni Dr. Belo, "Baka mahiya na si Kat sa amin, iba na lang. Pumili na lang kayo ng iba..."

"Mahal namin si Katrina. Mahal ko si Katrina. Mahal niya [Dr. Belo] rin si Katrina. Mahal talaga namin si Katrina," sambit naman ni Hayden.

OLDER WOMEN. Tiniyak din ni Dr. Belo na mas preferred ni Hayden ang mas mature na babae kaysa sa mga kaedad ng 28-year-old cosmetic surgeon turned doctor.

"Kaya siguro attracted si Hayden sa elder beautiful women, older woman, kasi mas stable. Hindi na kami masyadong nara-rattle sa mga ganun, mga selosan. I know where I stand with him. I feel secure with his love. I understand him very well. So I hope lang, sana totoo ‘to. Sana next year, nandito pa rin kaming dalawa," pahayag ni Dr. Belo.

Pero ngayong magku-concentrate na si Hayden sa kanyang showbiz career, hindi itinatago ni Dr. Belo ang kanyang pag-aalala. Kasama kasi si Hayden sa cast ng Kim Sam Soon na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.

Ani Dr. Belo, "Pero ngayong malayo siya, magte-tape siya sa Tagaytay, saka tatlong araw dire-diretso... Hindi pa kami naging apart, so I don't know... Secure ako ngayon kasi magkasama kami 24/7. ‘Pag hindi ko na siya nakikita, medyo natatakot na rin ako. Baka magkaroon ng konting ano... Pero we made an agreement na pag-usapan namin if I have a little insecurity or suspicion."

BAPTISM OF FIRE. Ngayong desidido na si Hayden na pasukin ang showbiz, handa na ba siya sa mga intriga gaya ng balita ngayon tungkol sa kanila ni Katrina?

"I guess it's my baptism of fire," sagot niya. "This is really part of show business, ang mga intriga-intriga na ‘yan. I mean, bago akong salta dito sa showbiz. So parang naintindihan ko naman na controversies really exist. It's really like the lifeblood of showbiz.

"Yung mga sumusulat ng intriga about us, yung mga naninira, alam mo iniisip ko ‘yan, parang okay din kasi natatanggal din nila yung atensiyon ng mga tao dun sa mga negative things, like war, massacre, poverty, ganyan, and veer it towards people like me, Vicki, ganyan. Walang siraan sana, walang siraan," pakiusap ni Hayden.

FRAME-UP?

Kapuso StarsIto ang mapapansin sa lumalabas na video footage ng pagtataray ni Marian Rivera sa Internet.

Tipong ’yung nag-provoke na lalaki sa unahan ni Marian para bastusin at sagutin ng pabalang ang aktres ay may kakutsaba pa sa likuran na kumukuha rin ng video footage.

Sakto! Panalo ’yung nag-provoke kay Marian para magtaray. Ayun na nga, nai-post na nila sa YouTube ang pang-aasar, pambabastos nila sa tinatagurian ngayong phenomenal superstar ng kanyang henerasyon.

Eh, may Santo-Kristo man sa dibdib si Marian, ke may buntot man si Dyesebel, aba, kapag ganu’n ang set-up, ipo-provoke ka, babastusin ka, sasagutin ka ng pabalang-balang, well, talagang mabubuhay nga si Gabriela Silang sa katauhan ni Marian, tsuk!

And the height, nakipagbati pa raw kinabukasan ’yung lalaking nag-provoke, nambastos at sumagot ng pabalang-balang sa aktres, ha! Kapal!

Dapat siguro, Mike Enriquez, imbestigahan mo kung ano ang purpose o motive o kung may bad intention ang lalaking ’yon at kung sino ang kakutsaba nito at kung sino ang nag-utos sa kanila o kung ’yon ba ay isang modus operandi para ibenta sa YouTube at pagka-perahan. ’Yon na!

Kaya sa mga big name star or big name celeb, ingat lang at baka kayo naman ang maging biktima ng frame-up or set-up tulad ng nangyari kay Marian.

Parang hindi nalalayo sa mga eksena ngayon sa telefantasyang Dyesebel, kung saan dahil sa selos, naglagay ng hidden camera si Betty (Bianca King ) sa office ni Fredo (Dingdong Dantes) para malaman kung may babae ito.

Nagkataong lasing si Fredo at papasok naman si Dyesebel (Marian). Magyayakapan at maghahalikan ang dalawa.

Presto, huli ng hidden camera!

Marian Rivera Scandal in Youtube



This is the controversial youtube video of Marian Rivera wherein nagtaray sya sa isang lalaki.

We still don't know the whole story but I guess Marian was just being true to herself and defends herself in certain situations. I think this is just another demolition job for Marian.

Marian Rivera airs her side about YouTube video

Isa ang PEP sa pinadalhan ng isang nagngangalang Lawrence Marbeda (hindi namin tiyak kung tunay niyang pangalan ito) ng link sa YouTube ng video na tinawag niyang "Pagmumura at Pagwawala sa shooting ng Dyesebel." Under sa "Marian Scandal" sa YouTube ang video na kuha sa taping (hindi shooting gaya ng nakasaad sa email) ng Dyesebel sa Subic a few weeks ago.

Sa nasabing video, makikitang galit si Marian at mukhang may kaaway at may isa pang video na makikita ang isang lalakeng paulit-ulit na sinampal ng hindi nakikitang tao at kamay lang nito ang visible. Pinapalabas na si Marian ang nanampal sa nasabing lalake.

May kasamang transcript ng palitan ng salita nila Marian at ng lalake ang ipinadalang e-mail sa amin, pero hindi ang buong video. Kumbaga, pinili lang ni Mr. Marbeda ang isinama sa transcript.

Tamang-tama namang naimbitahan ang PEP sa taping ng Dyesebel sa Loyola Grand Villas sa Quezon City kahapon, May 22, kaya sumugod kami sa location, na sa teleserye'y palalabasing bahay nina Don Juan (Ricky Davao) at Fredo (Dingdong Dantes).

Para hindi mabigla, ibinulong muna ng PEP kay Marian ang bagong isyu sa kanya na kumakalat sa Internet at naka-post sa YouTube. Alam na pala ng young actress na
ay naka-post siyang video sa YouTube, pero hindi pa raw niya napapanood. Nag-text siya sa mga kamag-anak at close friends na panoorin yun at i-text sa kanya ang kanilang feedback.

MARIAN SPEAKS UP. Ipinakuwento na rin ng PEP kay Marian ang buong pangyayari para marinig naman ang side niya. Humingi ng ilang minuto ang young actress sa staff ng Dyesebel para ikuwento ang side niya.

"Ganito yun," simula niya. "Nasa set kami sa Subic. Alam ng lahat na bawal ang mag-video lalo na kung hindi pa umeere ang episode. Nakita ko siyang [yung lalake sa YouTube] kumukuha ng video at biniro ko ng ‘Kuya, nagbi-video kayo, bawal ‘yan.' Ang sagot ba naman, ‘Bakit, ikaw ba ang bini-video ko?' Pakialam ko raw. Pabalang ang sagot at nagulat ako, nagkasagutan kaming dalawa.

"Tinanong ko kung staff siya. Taga-processing daw siya. Nagulat ako, bakit ganun ang reaction niya sa akin. Kahit payat at maliit ako, hindi ako papayag apihin. CaviteƱa ako, lalaban ako! Walang nang-aapi sa akin!" lahad ni Marian.

Pinuna ni Mr. Marbeda sa ipinadala niyang email sa amin na sumisigaw si Marian sa video. Pati raw ang personal assistant (PA) at staff ng Dyesebel ay sinisigawan din ng young actress. May paliwanag din si Marian dito.

Aniya, "Alam n'yo, malakas talaga akong magsalita at hindi na bago sa staff yun. Wala akong sinisigawang PA, dahil that day na nagte-taping kami sa Subic, wala akong PA, nag-resign siya dahil buntis. Bago ang PA ko ngayon, two days pa lang sa akin at medyo may edad na ang kinuha ko para hindi magbuntis."

Sinegundahan ng direktor ng Dyesebel na si Joyce Bernal ang mga sinabi ni Marian na wala kasamang PA o alalay ang young actress that fateful day, dahil buntis nga ang PA nito.

Itinanong din ng PEP kay Marian ang video ng nakasagutan niyang lalake na paulit-ulit na sinasampal, pero hindi nakita kung sino ang sumampal at kamay lang ng nanampal ang nakita. Pinapalabas na si Marian ang nanampal sa lalake.

"Wala akong sinampal, wala akong sinaktan," mariing sabi ni Marian. "Ni hindi ko nga siya hinawakan, nagkasagutan lang kami. Inawat na kami ng staff. Dapat hinamon ko na lang siya ng suntukan!"

Feeling ba niya frame-up ang nangyari? Bakit may nag-video ng nangyari at bakit edited?

"Bahala na sila," sabi niya. "Ang importante sa akin, hindi ako nag-power trip. Okey lang siraan at pintasan nila ako, tanggap ko lahat na kaparte ng trabaho ko ito. Dapat masanay na ako, dahil lahat na lang ng kilos ko... Tinatanong ko lang ang manager ko [Popoy Caritativo], kung bakit ayaw akong tantanan. Ganun din ang sinasabi niya, na bahagi ito ng showbiz at kailangan kong masanay."

Ang hindi raw ipinakita sa video ay ang nangyari kinabukasan—ang pagbabalik ng lalake sa set at kinausap si Marian.

"The next day, bumalik siya, nagkaayos kami at nagkapaliwanagan kami. Alam ko sa sarili ko na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, dahil binastos ako. Mali ba ang ginawa ko?" tanong ni Marian sa PEP.

MARIAN SUPPORTERS. Matutuwa si Marian dahil marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya. Bukod sa binasa niyang text messages, marami rin ang nag-email at kinukondena ang ginawa ng lalake. Kahit sila'y naniniwalang frame-up ang lahat.

Kabilang sa nag-email sa PEP sina Arya Tupaz ng UPBL College, Laguna; Belleraf; Marylou Gallienne na member ng Global Fans of Marian at taga-Calgary, Toronto; si Mildred Borlongan; at Christine Anne Factoriza.

Nagtatanong ang mga nabanggit kung bakit nakapasok sa set ang lalake at hindi sinita kahit kinakitaan na ng video. Ano raw ang ginagawa ng GMA-7 para protektahan si Marian at ang iba nilang artista para hindi na maulit ang nangyari?

Naniniwala rin silang frame-up at plinano ang nangyari at gusto nilang iparating ang suporta nila sa young actress.

L.A. TRIP. On a happier note, excited na si Marian sa Los Angeles trip nila ni Dingdong Dantes. Sa July 19 sila aalis para dumalo sa GMA Pinoy TV event doon. Babawi na lang daw siya sa Los Angeles sa hindi natuloy na hinihingi niyang bakasyon sa Madrid, Spain para bisitahin sana ang ama at relatives niya roon.

Napansin ng PEP na Pond's ang gamit ni Marian na pang-alis sa prosthetics niya sa mukha at siya mismo ang nag-aalis nito. Magpapalagay na lang daw uli siya pagdating nila sa Ocean Park sa may Quirino Grandstand, kung saan sila lumipat ng location after the Loyola Grand Villas set-up.

Mark Herras looks forward to being a godparent of Jennylyn Mercado's child

Kapuso Stars
Bagama't hindi pa nila napag-uusapan ni Jennylyn Mercado, sigurado na
ang young actor na si Mark Herras sa pagiging ninong ng magiging anak
ng ex-girlfriend niya. Nasa ika-anim na buwan ngayon ng pagbubuntis si
Jennylyn at inaasahan na lalaki ang kanyang anak sa ex-boyfriend
niyang si Patrick Garcia.

Sa panayam ni Rey Pumaloy ng Abante kay Mark, hindi raw kataka-taka na
kunin siya at ilan pang ka-batch nila sa StarStruck na maging
godparents ng baby ni Jennylyn dahil matalik na kaibigan nila ang
young actress

Tinanong din ng shoiwbiz columnist si Mark, paano kung hindi pumayag
si Patrick na maging ninong siya?

"Bakit, may magagawa ba siya kung si Jen ang may gusto?" sagot ni
Mark. "At saka ano naman ang masama kung maging ninong ako?

"Matagal nang tapos ang relasyon namin ni Jen at magkaibigan naman kami ngayon. So, dapat hindi na bigyan ng kahulugan ' yon. Para naman
'yon sa baby."

Dagdag ni Mark, "Bahala na lang si Jen doon. Kung ano ang sasabihin ni
Jen, 'yon na lang ang susundin ko."

Hindi rin naman iniisip ni Mark na magiging isyu pa ito sa pagitan
nila ni Patrick dahil nagkasama na rin sila sa trabaho, sa Fantastic
Man. Bukod pa rito, ayaw na ring makialam ni Mark sa problema nina
Jennylyn at Patrick.

"Hindi na rin namin pinag-uusapan 'yon ni Jen. Ang mahalaga ngayon ay
masaya si Jen."

IT'S A BABY BOY. Natutuwa rin si Mark nang malaman niya na lalaki ang
magiging anak nina Jennylyn at Patrick. Ito raw ang naging hula niya
noong mga unang buwan ng pagbubuntis ni Jennylyn.

"Nung two months pa lang ang baby sa tiyan ni Jen, nakipagpustahan ako
sa kanya. Sabi kasi ng iba, babae raw ang magiging baby niya dahil
maganda nga raw at blooming si Jen.

"E, maganda naman talaga si Jen at ibang-iba ang aura niya. Pero
kinontra ko 'yon at sinabi kong lalaki 'yon. E, lalaki nga, so tama
ako," lahad ni Mark.

Sa panganganak ni Jennylyn, nangako si Mark na tutulungan niya ang
dating kasintahan at ka-love team sa pagbabalik nito sa showbiz.

Dyesebel, a Beautiful Mermaid

Kapuso StarsDThere have been many mermaid stories, so how does Mars Ravelo's Dyesebel differ from the old tales which have been an engaging element of our folklore? And how do the people behind the GMA version make theirs stand out as unique? The writers of Mars Ravelo’s Dyesebel give you an in depth account of Dyesebel’s culture. Let us join Dyesebel and learn more about her world, their culture, and traditions.

Under the sea

The Dyesebels of the past have always concentrated on the love story between Fredo and Dyesebel. There have been many remakes of this love story and most scenes have been confined to the beach and in the mortal’s world. But this time around, GMA wants us to have an idea of what Dyesebel’s world is really like.

“Kung ano 'yung hindi pa napapakita ng mermaid stories dito sa Pilipinas, yun yung ipapakita namin, so basically 'yung mundo nila. May culture sila, kung paano sila magtinda, kung paano mag-exchange ng money, 'yung traditions nila," say the writers of Dyesebel, Kit Villanueva-Langit, Arlene Navarro-Punio and Dodie Cruz.

They have also disclosed that they made the characters of Dingdong Dantes and Marian Rivera as different as possible from their previous characters in Marimar.

“Actually challenge talaga siya sa lahat. Hindi lang sa creative, sa production, even sa kanilang dalawa," admits the writers of the show.

Indeed they wanted to give us something new to watch. Aside from the usual mermaid story that we have been introduced to by one of the most successful graphic novelist in the Philippines, Mars Ravelo, we are now given a vision of what Dyesebel’s world is like under the sea.

The story of Dyesebel

Interpreting a classic like Dyesebel is a big challenge to both the actors and creative team of the network. Aside from the fact that this particular mermaid story is close to the hearts of the Filipinos, many remakes of this story have already been presented to the Filipino viewers.

“Maraming nadagdag doon sa dating Dyesebel na mermaid story, pero nandoon pa rin naman 'yung dynamics ni Fredo at Dyesebel," assured one of the writers.

Aside from the two main characters, the introduction of the merworld naturally brings in new characters in the story. Berbola, Bukanding, Erebus, Usaro are few of the underwater creatures added in Dyesebel’s world.

Together they give us a new aspect in Dyesebel’s story and give more color and flavor to the tale that we all have come to love.

A Valentine Movie for Richard Gutierrez and KC Concepcion

Kapuso Stars
Tuloy na tuloy na ang Valentine movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion next year from GMA Films and Regal Entertainment.

Gabi ng Miyerkules, May 21, isang biglaang invite ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa Corporate Communication ng GMA-7 saying "tuloy na ang contract signing tomorrow of Richard and KC and Direk Joey [Reyes] tomorrow 11 am at the 16th floor Board Room."

Kasunod nito ay nakatanggap kami agad ng tawag sa Project Development Manager and Head of Synergy ng GMA Films na si Noel Ferrer. Ang una naming tinanong sa kanya ay kung "naayos" na ang lahat for the contract signing to push through. Oo raw, so all is set for GMA Films to announce its separate project with Richard and KC.

IMPOSSIBLE DREAM. Mula pa lang sa simula, everyone wants to see Richard and KC on screen but it seems to be an impossible dream at first. Richard is an exclusive GMA Films artist at si KC, na-announce na noon na pipirma sa Star Cinema as an exclusive artist.

The actual move of making this happen was borne out of an early morning talk nina Noel and VP for GMA Program Management na si Joey Abacan na bakit hindi nila ito i-suggest sa Star Cinema.

Sinundan ito ng public pronouncement ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar, when she said that GMA Films is open to the possibility of a co-production deal with Star Cinema. The next move was for GMA Films to pursue this co-production initiative along with KC's managers, Sandra Chavez and Shirley Kuan. And, in a way, tumulong na rin pareho sina Richard at KC sa pagiging vocal nila pareho na sana nga ay magkaroon sila ng isang pelikula na magkasama.

THE DEAL. A deal was set between GMA Films and Star Cinema. May sariling pelikula na gagawin ang film arm ng ABS-CBN starring Richard and KC at mauuna itong ipalabas this August 2008. And then, ang GMA Films naman ang mag-a-announce ng kanilang separate movie, also starring the two stars na may Valentine 2009 release naman.

Nauna na nga ang dalawang big announcements ng Star Cinema. First ang pagpirma ni KC as an exclusive talent with a three-picture contract. Ikalawa, ang pagpirma ng isang picture deal ni Richard sa Star Cinema para maging kauna-unahang partner ni KC sa big screen.

It was also announced that the Star Cinema movie will be directed by Ms. Joyce Bernal and some of the scenes will be done in Greece.

Naghintay muna ng dalawang linggo ang kampo ng GMA Films bago ito magbigay ng sariling announcement dahil nasa Europe pa si Annette, nasa Dubai si Richard for his Codename: Asero, at busy naman si KC sa UN work niya sa Marawi.

Tuesday, May 20, of this week na-set ang announcement. But some technicalities surfaced na kailangang ayusin about the contract of KC sa Star Cinema kung kaya't na-postpone ito.

"WHEN I MET YOU." Wednesday, May 21, natuloy naman ang story conference and pictorial nina Richard at KC for their Star Cinema project. Meanwhile, the talks continued between GMA Films and Star Cinema para maayos ang ilang gusot and, presumably, all went well for GMA Films to do its own announcement Thursday morning, May 22.

Alas-onse pa lang ng umaga, kumpleto na ang triumvirate ng GMA Films na sina Ms. Annette Gozon-Abrogar, Joey Abacan, at Noel Ferre. Ayos na rin ang boardroom ng 16th floor arranged by the Corporate Communication unit headed by Angel Javier. Maaga ring nagsidatingan ang GMA TV crew pati na rin sina Ricky Lo at Lhar Santiago, at sumunod na ang mga publicists ng GMA Films.

Sa background, pinapatugtog ang kantang "When I Met You." We later found out na ito pala ang magiging title ng pelikula na nina Richard at KC, na isinulat at ididirehe ni Direk Joey Reyes, na nasa ground na rin at hinihintay ang pagdating nina Richard at KC.

According to Direk Joey, When I Met You is a "sweeping romance" about the joy of being young, alive, and in love. Basically, it is everything that's beautiful in the world daw.

PEP asked Noel and Direk Joey kung magkakaroon din ito ng out of the country scenes at ito raw ang isa sa mga pag-uusapan sa itaas. Malamang na magkaroon din daw, pero ayaw munang ipasabi kung anong bansa sila pupunta.

When I Met You is scheduled to open February 11, 2009. Like the first four Valentine movies of Richard—Let The Love Begin, I Will Always Love You, The Promise, and My Best Friend's Girlfriend—it will be co-produced by Regal Entertainment.

Pinoy Idol presents Top 24


Twelve hours before American Idol crowned David Cook as its seventh-season winner, Pinoy Idol formally introduced to the entertainment press its Top 24—12 men and 12 women—last night, May 21, at Teatrino in Promenade, Greenhills. These 24 Idol hopefuls bested more than 20,000 others who auditioned all over the country.

The Top 24 singers were personally handpicked by Pinol Idol judges Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, and Wyngard Tracy. And based on what the entertainment press saw and heard last night—all of the 24 Idol hopefuls performed for the first time before a live audience—most agree that the judges did a very good job in choosing who will compete to become the first Pinoy Idol.

This group has very diverse musical talents—from ballad to pop to R&B to rock to jazz to blues to standards—that will make the show exciting. Ten of them are professional singers while the remaining contestants are raw and undiscovered. The age of the contestants range from 16 to 28.

The 12 ladies who made the cut are the following:

Jayann Bautista, 21, Pampanga

Meryl David, 23, Bicol

Bev Ejercito, 18, Davao

Sue Ellen, 17, Iloilo City

Gretchen Espina, 20, Biliran

Mae Flores, 18, Marikina City

Carol Leus, 17, Batangas

Drizzle Muniz, 28, Quezon City

Regene Ong, 20, Quezon City

Penelope, 16, Batangas

Jeni Rawolle, 20, Iloilo

Vren Villaflor, 17, Quezon City


The 12 men who will battle it out are:

Ellito Andal, 24, Batangas

Warren Antig, 25, Baguio City

Kid Camaya, 24, Pampanga

Daryl Celis, 21, Rizal

Ram Chaves, 25, Cagayan de Oro

Rye Estrada, 28, Iloilo

JJ Jr., 17, Bataan

Sherwin Marquez, 26, Dagupan

Robby Navarro, 28, Pampanga

Dio Paulo, 24, Iloilo City

Toffer Rei, 23, Iloilo

Walton Zerrudo, 25, Laguna

The workshop phase of Pinoy Idol will begin Friday night, May 23, with the Top 12 men performing first. The following night, May 24, the Top 12 women will take the center stage. Then, on Sunday (May 25), the first elimination will take place

Pinoy Idol is hosted by Raymond Gutierrez.

Aside from the performance nights and elimination night, Pinoy Idol viewers will also be able to take a glimpse of the drama behind the competition via a special show called Pinoy Idol Extra starting May 25. Hosted by Karylle and Rhian Ramos, the show will offer the viewers behind the scenes footage and highlights of the contenders throughout the competition. Pinoy Idol will be shown every Sunday right after SOP and weekdays after The Legend.

Rhian Ramos's "Haters" are Unstoppable


Simula nang i-announce na along with Karylle ay si Rhian Ramos na ang napiling magho-host sa Pinoy Idol Extra, ilang e-mail na halos lahat ay protesta sa pagkakapili kay Rhian to be one of the hosts of the said show.

Some of the e-mails ay may mga provided links pa sa iba't ibang Internet sites kunsaan, may mga nauna nang petition para hindi matuloy si Rhian as host in Pinoy Idol Extra, na obviously, hindi naging successful dahil ang dalaga pa rin ang kinuhang host ng PIE with Karylle nga.

Isa sa reason na ibinibigay ng mga nagpe-petition against Rhian ay ang hindi raw pagiging deserving nito na maging host ng PIE. Hindi raw porke't marunong itong mag-English, ay basehan na para masabing puwede na itong host. Katuwiran pa raw nila, marami pang ibang artists ang GMAAC (GMA Artists Center) na mas deserving than Rhian.

Isa pang pinepetisyon ng tinatawag ngayong "Rhian Haters" ay ang pagkakasali raw ni Rhian sa Pinoy version ng Korean series na Full House. Bagama't hindi pa naman ito gaanong napag-uusapan dahil sa December 2008 to January 2009 pa naman ito masisimulan, ngayon pa lang ay nag-iingay na ang mga Haters ni Rhian against sa pagkakasali nito sa naturang project.

Kung matatandaan, ang Full House ang isa sa mga sumikat na Koreanovela sa bansa na pinagbidahan ng Korean actress na si Song Hye Kyo.

Naungkat din sa forum thread ng ibinigay na link ng mga nagpadala ng e-mail sa PEP ang mga previous projects pa ng young actress sa network. Kahit daw hindi natuloy si Rhian sa ibang mga projects na noong una'y nabanggit na ang pangalan niya, may nahahanap pa ring rason ang mga Haters kung bakit hindi nga natuloy si Rhian for a certain project at saka nila ikino-connect naman sa ibang project pang ginagawa nito.

Hindi rin pinalagpas ng mga nang-iintriga kay Rhian ang pagkakasama niya sa 3rd Asian Super Model Contest sa ginaganap hanggang ngayon sa China. Ayon sa mga Haters, resulta raw ng pagkakapili kay Rhian para mag-represent ng Pilipinas sa naturang contest ang pagiging malakas diumano nito sa GMAAC. Originally raw, dalawang young actress ng GMAAC ang dapat na kasama sa mga sasali sa model contest, pero napalitan daw ito ng dalawang diumano'y mas may "kapit."

Idinidiin pa ng haters ni Rhian na may favoritism daw sa GMAAC dahil pamangkin nga si Rhian ng head ng GMAAC na si Ida Henares. Kaya nga raw halos lahat ng projects ni Rhian ay sinasabing dahil lang sa pagiging pamangkin ni Ms. Henares o isang kaso umano ito ng nepotism.

Kung tutuusin, napaka-unfair sa young actress ng mga nangyayari at bintang ng ilang galit na showbiz fans sa kanya na nagsasabing sikat lang siya because of favoritism or nepotism.

Nakikita rin naman kasi that she's one newcomer na may potensiyal naman at hardworking. Pero yun nga lang, dahil sa naturang connection niya, lahat halos ng gawin niya ay tila nabibigyan ng kulay or malisya.

Minsan na rin sinagot nina Rhian at Ms. Ida ang isyu ng favoritism sa ginanap na press conference for GMAAC image plug, at ayon sa kanila, wala raw katotohanan ang mga bintang na pagkakaroon ng favoritism among their artists.

Mukha rin namang nasanay na si Rhian sa mga negative feedbacks sa kanya every time na may bago siyang show or movie at hindi na lang ito pinapansin ng Kapuso star kundi trabaho na lang talaga ang inaatupag.

Jackie Rice gets another chance, joins the cast of "Dyesebel"


Binigyan ulit ng pagkakataon ng GMA-7 ang young actress na si Jackie Rice. Isinama si Jackie sa cast ng nangungunang telefantasya na Dyesebel kung saan gaganap siya bilang si Arana, ang ligaw na sirena na naging tagapagsilbi ng anak ni Dyangga (Mylene Dizon) na si Berbola (Michelle Madrigal).

Natutuwa si Jackie dahil muli na naman siyang pinagkatiwalaan ng kanyang home network. Matagal na raw kasi siyang walang project since natapos ang Fantastic Man na pinagbidahan ni Mark Herras.

Aminado naman si Jackie na naging pasaway siya noon kaya madalang siyang bigyan ng proyekto. Na-suspend pa nga siya noon dahil sa hindi magandang behavior. Pero ngayon daw ay nakatuon na ang atensiyon niya sa kanyang showbiz career.

"Masaya ako kasi binigyan na ulit ako ng trabaho. Magiging serious na ako ngayon. Career na ang concentration ko this time," saad ni Jackie sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong namin si Jackie kung kumusta na sila ng nababalitang boyfriend niya na si

Biboy Ramirez. Ngumiti lang si Jackie, "Trabaho po muna tayo."

Si Jackie ang nanalo bilang Ultimate Female Survivor sa StarStruck 3. Runner-up lang niya noon si Iwa Moto, pero mas nabibigyan ng mga magagandang projects si Iwa ng GMA-7. Hindi ba nanghihinayang si Jackie na imbes na sa kanya napupunta ang magagandang projects ay napupunta ito kay Iwa?

"Wala naman pong panghihinayang," sagot ni Jackie. "Magaling naman po talaga si Iwa. Bagay sa kanya ang mga projects na napupunta sa kanya. Nagkakausap kami parati. Nangungumusta siya sa akin at nababalitaan ko naman ang mga magagandang nangyayari sa kanya. Iwa deserves this kasi masipag siya at career talaga ang focus niya kahit na may boyfriend siya."

Hindi ba siya naiinggit kay Iwa?

"Inggit? Wala pa sa akin ‘yan. Hindi ko alam kung paano mainggit, e. Kaibigan ko kasi si Iwa. Big sister ko ‘yan. Kung ano ang narating niya, masaya ako.

"Tulad ngayon at nakasama ako sa Dyesebel, masaya si Iwa. Sabi nga niya, pagbutihan ko raw para tuluy-tuloy. At least nga bumalik na ang tiwala ng GMA-7 sa akin," sabi ni Jackie.

Kapuso stars and their Desire Tattoos

In the world of showbiz, appearance is everything; and celebrities are supposed to have flawless beautiful skin—or as much as possible anyway.

This summer, iGMA asks the stars what kind of tattoos they’d want to have if they can have one, and they have some pretty interesting answers!

From the unusual to the not-so-much

“I’ve always wanted a Philippine flag somewhere, probably on my back or something," Rhian Ramos reveals.

But, the pretty actress says, she doesn’t think it would be possible for her to have one because “I’m an actress, [and] if I have a scene where I have to bare my back or something, e ‘di kitang-kita na ‘yun. Sayang naman ‘yung concealer!"

Senator’s son Bryan Revilla can’t make up his mind as to what kind of tattoos he would want to have, but he knows where he wants them: “chest or shoulders."

As for young the perennial kontrabida Arci MuƱoz, she wants to have a tattoo on her neck. But because she’s not actually allowed to have tattoos, Arci would just have to be content with imaginary ones. But if she were, hypothetically, to have one done, she reveals, “gusto ko barcode o kaya stitches, para unique."

Another celebrity thinking of getting barcode tattoos? Francine Prieto!

The tall celebrity says she wants it on her ankle; before joking, “tapos titignan kung magkano ako!"

Alyssa Alano, on the other hand, is going for a more religious approach: she wants “mukha ni Jesus Christ sa likod. Para lagi siyang, hindi lang sa puso at isip ko, pati sa katawan ko, nandoon siya."

From the clan Padilla, Ralph wants a different kind of tattoo. “Tribal na sun, sa back ng neck." The Joaquin Bordado mainstay even has a meaning attached to it! “Parang ‘let there be light.’"

From suns, let’s go to stars. Two StarStruck beauties want star tattoos. And while Iwa Moto already had hers done, Jade Lopez’s is still in her imagination. And where would she put it? “Sa may upper [backside]!" The young actress laughs, “kasi gusto ko maging star!"

Tribal to tattooed trivias

“If ever siguro, sa left arm," hunky Alfred Vargas says after a bit of thought where he would put a tattoo. Not afraid of the needle, Alfred says that he’d encircle his bicep with a tattoo. What kind? “Tribal."

Two other guys are also going for the tribal approach are Mark Herras and Kevin Santos .

“Sa bandang arms, ipapapuno ko," Kevin reveals. He adds that he wants tattoos much like The Rock’s, “kasi parang mas naastigan ako doon eh."

But he also reveals that he’d rather have it done in henna. The not-so-tough guy says that he doesn’t want a real tattoo: “parang ang pangit sa katawan eh."

Another henna-preferring celebrity is Karylle, who’s going for an anklet-type of tattoo. But for real, she says that she’d “rather not, because people will wrinkle in time, and it would look ugly. And you can not donate blood!"

Other celebrities who don’t want a real tattoo are Marvin Agustin, Tess Bomb, Chynna Ortaleza and Melissa Avelino . But they’re very much game with imaginary ones—or fake ones.

Marvin says that the only tattoo he’d ever consider having are the names of people who’ll be permanent in his life: “my kids!" An answer that Chynna mirrors, saying “I won’t have any problem tattooing their names sa katawan ko, ‘cos they came from me."

Meanwhile, Melissa wants a significant something written in Spanish, and Tess Bomb would have anything “pa-tweetums", “hindi naman kasi bagay sa akin mag-tattoo ng ahas. Haller!"

What about you? What kind of tattoo would you like to have?

Sunshine Garcia humingi ng dispensa kay Alyssa Alano

Humingi na ng dispensa ang SexBomb Girl na si Sunshine Garcia sa mga nakalaban nitong sina Alyssa Alano at John Feir (Belli Flori) sa game show ng GMA-7 na Gobingo dalawang linggo na ang nakararaan.

Kamakailan lamang ay napabalitang may tampuhan sa pagitan nina Sunsine at Alyssa dahil sa pangakong paghahatian na lamang ang premyo kung sinuman ang manalo sa kanilang tatlo. Ngunit hindi ito nangyari dahil ang nanalong si Sunshine ay walang ideya na hindi pala papayag ang kanyang manager na si Joy Cancio kahit na naka-oo na siya kina Sunshine at John.

Napanalunan ni Sunshine ang P164,000 prize money nang mag-head-to-head sila nina Alyssa at John sa Gobingo.

Ayon sa taped interview ni Sunshine sa Showbiz Central kahapon, May 18, "Pagdating ko pa lang ng Gobingo, nag-uusap na pagdating ko ng dressing room, nag-uusap na si Alyssa at saka si Kuya John Feir. Ngayon sabi nila, ‘O, ano, hatian na lang 'to. Parang ganito.' ‘O, sige, kayong bahala,' parang ganun ako, e."

Nang makuha ni Sunshine ang jackpot, nalaman ng dancer na kailangan niya munang ipaalam ito sa Focus Entertainment, ang production company ng talent manager na si Joy.

Pahayag ni Sunshine, "Noong nakuha ko na yung jackpot, pinuntahan na ako ni Alyssa, sabi niya, ‘Kumusta?' Sabi ko, ‘O, kuha yung jackpot.' Pero sabi ko, ‘Kailangan ko muna itong padaanin sa office [Focus Entertainment].' Noong sinabi ko nga dito, ayaw nga po nila pumayag."

"WALANG PROBLEMA." Sa StarTalk noong nakaraang Sabado, May 18, halos mapaiyak si Alyssa dahil sa mga anonymous comment na nakukuha niya na umano'y nagsasabing "mukha pera" siya.

Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Alyssa sa StarTalk, "Sabihin na po nilang tanga ako, huwag lang mukhang pera. Kasi ano, e, pinaghihirapan ko naman po yung kinikita ko, hindi po ako humihingi sa ibang tao."

Sa hiwalay na taped interview ng Showbiz Central, inihayag din ni Alyssa na walang kaso sa kanya kung hindi siya mabigyan ng parte mula sa napanalunang pera ni Sunshine.

Ayon sa sexy comedienne host, "Yun pong pinapag-usapan namin na hati-hati, um-okay naman siya [Sunshine]. So okay, alam naman namin na hati. E, pero since naman nagkaproblema nga, hindi niya alam na hindi pala puwede kasi, di ba, may manager pa siya?"

Dagdag niya, "Yun, nag-a-apoligize nga siya na hindi niya raw kami mahahatian. Sinabi pa nga niya sa akin na, ‘Pasensiya na.' Hindi daw niya alam na ganun. Sabi ko, ‘Okay lang.' Sabi ko, ‘Walang problema doon.' So, hindi ko po alam kung saan nanggaling yung mukha akong pera, na naghahabol daw ako."

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Alyssa na wala siyang pinatatamaan sa naging pahayag ni Lolit Solis noong Sabado sa StarTalk. Sinabi kasi ni Lolit, "Hati-hati sila, di ba, noong ibang kasali? Sabi ko, ‘Baka hindi tuparin, kailangan pilitin mo.' Sabi niya [Alyssa], ‘Hindi bale, 'Nay, kung ayaw niyang tuparin yung kanyang word of wisdom.'"

Paliwanag ni Alyssa, "Ay, hindi po, kasi nagbibiruan kami ni Nanay [Lolit]. Since may nagkuwento kay Nanay [Lolit], yung word of wisdom na yun, ‘Hindi bale, 'Nay, siguro may word of wisdom naman siya, bibigay naman niya yun.' Gumanun ako, pero hindi yun para patamain yung kung sinuman."

"NA-BYPASS AKO." Kasunod nito, nagpaliwanag na rin ang talent manager ni Sunshine na si Joy Cancio, na umaming nasaktan sa agarang pagpayag ng alaga sa paghahati-hati sa magiging prize money nang hindi siya kinukunsulta.

Ipinaliwanag ng talent manager ang kanyang pagtutol sa paghahati-hati ng prize money. Aniya, "Kasi it's a game show, di ba? E, ngayon, sabi ko, ‘Hindi ako papayag.' Kasi, unang-una, ako yung manager, ako yung nakipag-usap sa show, di ba?

"At the same time, as a manager niya [Sunshine], di ba, usually we get 30 percent. Kaso, since honorarium 'yon, hindi na namin kinukunan yun kasi kung matalo, maliit lang naman yun, di ba?

"Pero ang usapan namin ever since, we will get 30 percent from the prize. E, so from then on, kinompyut ko sa kanya [Sunshine], ‘O, kita mo, heto ang matitira sa 'yo. O, magkano na ngayon ang matitira sa 'yo kapag hinati-hati?'"

Hindi rin naitago ni Joy ang pagkadismaya sa naging desisyon ni Sunshine.

"Ang ikinagagalit ko sa kanya is, ‘I'm your manager, bakit binypass mo ako?' Actually, hindi sama ng loob yun, e. Kumbaga, ako yung nakakatanda, e, pinaiintindi ko sa kanya. Pinagalitan ko siya. Kumbaga, deserving naman siya na manalo kasi nga pinahirapan siya, di ba?"

Paglilinaw din ni Joy, "Ayaw ko kasing may nagagalit din sa kanila. Hindi nating masasabing matured enough na sila, e. Nakukulangan sila ng parang advice, guidance. Kaya sabi ko, kailangang mag-isip muna ng ilang beses bago magdesisyon para hindi magkamali."

SUNSHINE APOLOGIZES. Aminado naman ang SexBomb dancer na si Sunshine sa kanyang pagkakamali.

"Alam ko mali ako. Mali ako sa pag-oo kaagad. Mali ako sa bigla kong pagdedesisyon, na hindi ako nagkonsulta, hindi ako nagtanong," sabi niya.

Dahil dito, humingi rin si Sunshine ng paumanhin sa kanyang manager gayundin sa mga nakalaban niya sa Gobingo na sina Alyssa at John.

"Nagkausap na kami ni Ate Joy," sabi ni Sunshine. "'Yon nga yung sinabi niya sa akin na hindi puwede. Kailangan dumaan muna dito. At sinabi ko naman sa kanila, kina Kuya John at Alyssa, na bibigyan ko pa rin naman sila ng balato."

"Gusto kong sabihin kina Kuya John at Alyssa na, ‘Sorry talaga.' Sorry din ako sa Focus na na-by ass ko nga po sila."

Richard-KC team-up postponed by GMA Films

May special for-publicist-only announcement na gagawin ang GMA Films bukas, May 20, lunch time. This is still part of the series of special announcements concerning the team-up of Richard Gutierrez and KC Concepcion.

Una nang nag-announce ang Star Cinema more than two weeks ago kung saan pagsasamahin sa isang movie sina Richard, an exclusive talent of GMA Films, at KC, who just signed an exclusive contract with Star Cinema, to be directed by Bb. Joyce Bernal and for showing in August. Hinihintay naman ang pagdating ng GMA Films president na si Ms. Annette Gozon-Abrogar from her European trip for the Kapuso's side of the announcement.

Ngayon, May 19, ang dating ni Richard from Dubai for the two-week pilot taping of his newest primetime soap Codename: Asero. Ngayon din ang dating ni Ms. Gozon-Abrogar. Si KC naman, bukas ang dating from her Marawi-UNESCO activity.

All is set na for the announcement ngunit nakatanggap kami ng abiso na standby muna until further notice. May kailangan pang ayusin sa kontrata ni KC sa kanyang kontrata sa Star Cinema, na ikinagulat ng GMA Films, kung kaya't dapat muna itong maplantsa kasama ang Star Cinema at ang kampo ni KC.

Kaninang bandang alas-dose ng tanghali ay nakatanggap kami ng text message na hindi na tuloy ang scheduled announcement at contract signing sana bukas. At press time ay kumukuha pa ang PEP ng karagdagang impormasyon sa dahilan ng postponement na ito.

Lolit Solis Retracts

Talent manager and columnist Lolit Solis has always said that if Piolo Pascual and Sam Milby were to file a letter of desistance, she will also take back what she wrote in her October 15, 2007 article in Pilipino Star Ngayon about her "Sofitel eyewitness account."

Looking back, Lolit reported that she saw Piolo and Sam whispering to each other at the poolside of Sofitel Hotel on October 12, 2007. In reaction to Lolit's report, Piolo and Sam slapped her with a P12- million libel case.

After seven months, Lolit retracted her statements in the article, saying, "There's no factual basis on my article which came out. I am extremely sorry for dragging the names of Sam Milby and Piolo Pascual. I am sorry for the hurt and embarrassment I've caused."

Last Wednesday, May 14, the exchange deal between the two parties was finally agreed. Together with Pilipino Star Ngayon entertainment editor Veronica Samio, Lolit signed the short statement of retraction at the special hearing of Branch 55 of the Manila Regional Trial Court, in front of presiding Judge Jose A. Medoza. Sam and Piolo subsequently filed an affidavit of desistance, dropping the libel case on the spot.

Piolo said he realized that it was good thing the case didn't end badly. Sam agreed by saying that he did not want to see Lolit in jail and that he was really happy and thankful that all ended well.

In a previous PEP (Philippine Entertainment Portal) report, it was said that Seiko films producer Robbie Tan was the key figure in easing the tension between the two camps. Robbie is reportedly close to Joji Alonso, Sam and Piolo's lawyer.

But after so many months, how come Lolit retracted her story only now?

"Siyempre noong una, ang feeling, di ba, na tama ako, tama ang ginagawa ko? Then, later on, after seven months, na-realize ko na baka nga mali. Yun, kaya ako, apologetic ako, nagso-sorry ako. Nagpapasalamat ako na naging understanding sila [Piolo and Sam]. Ipinakita talaga nila na Christians sila. Siguro, na-realize nila na kawawa naman yung 61 years old, umaakyat sa fourth floor ng walang elevator. Na-realize ko talaga na mababait silang tao."

Lolit also told Piolo and Sam, "Thank you talaga. Kung kailangan ninyo ang tulong ko, may maitutulong ako."

For all her age and experience, Lolit admitted that she still learned something valuable from this ordeal.

"Mabuti na sa part ni Piolo at Sam na pinatagal nila ito kasi na-realize ko talaga yung mistake sa parte ko. At least, nalaman ko talaga na mabubuti silang tao. Kaya maganda din ang nangyari, at least may natutunan din akong leksyon," said Lolit.

Later on StarTalk, Lolit celebrated her 61st birthday—her actual birthday is on May 21. The lady who orchestrated the 1994 Manila Filmfest scam has learned another lesson in life with this incident involving Piolo and Sam.

She said, "Thankful ako, kasi ilang beses na akong nakagawa ng kasalanan, e. Ilang beses na akong nakagawa ng pagkakamali. Pero every time na nakakagawa ako ng pagkakamali, may mga taong sumusuporta sa akin. May mga taong nasa likod ko, pinapalakas ang loob ko.

"Akala ko noon, wala na ako pagkatapos ng scam. And yet, dahil sa suporta ng mga alaga ko, mga tao sa industriya na naging kaibigan ko, nalagpasan ko 'yon. 'Eto rin, napansin ko, nagkaroon ng polarizing. May naniniwala kay Piolo at Sam, may naniniwala sa akin. Pero in the end, ang mahalaga, sabi ko nga, may mga laban na ipaglalaban mo nang patayan. Pero may mga laban na, bakit ko ba ipinaglalaban 'to wala namang kakuwenta-kuwenta?

"At 61 years old, sabi nga ni Joey [de Leon], parang hindi na bagay na pumpunta ako sa mga hotel. Nangangako ako, hindi na ako papasok ng hotel!" she ended in jest.

Rudy is Greatful to his Friends

Kahit mahina ang boses, nagpaunlak ng panayam sa telepono si Rudy Fernandez nitong Sabado para pasalamatan ang mga taong nagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

Kasalukuyang nasa ospital si Rudy at ang asawa niyang si Lorna Tolentino nang ma-interview ng GMA entertainment talk show na “Startalk" upang hingan ng reaksiyon sa idinaos na healing Mass sa Christ the King Church kamakailan para kay Daboy.

Sa pag-uusap ng mga host na sina Butch Francisco at Lolit Solis kay Lorna, sumingit si Rudy upang personal niyang ipaabot ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagmamahal sa kanya – lalo na ang sambayanang Filipino.

“Pasensya na mahina ang boses ko," paliwanag ni Daboy. “Salamat sa lahat ng pagmamahal na natatanggap ko…sa sambayanang Filipino…lahat ng mga kaibigan ko…at siyempre sa pamilya, salamat."

Sa kabila ng tila mahinang katawan, nagawa pang magbiro ni Rudy at punahin kung bakit mahina ang komunikasyon niya sa telepono.

Ayon kay Lorna, bumubuti ang kondisyon ni Rudy kahit nagkaroon ng komplikasyon ang ginagawang therapy sa asawa.

“Slowly he is improving…getting better each day. Although siyempre hindi naman gano’n kadali ang lahat ng mga bagay kasi nagkaroon ng complication si Rudy," paliwanag ni Lorna.

Sa tanong ni Butch kung saan humuhugot ng tibay ng loob si Lorna sa krisis na pinagdadaanan ng kanyang pamilya, sagot ng aktres: “Yun tibay naman hindi sa akin nanggagaling ‘yon, it’s also Rudy at mga bata… at the same time mga kaibigan, mga nagmamahal. Doon ka nakakakuha ng strength sa lahat ng nagdarasal na nagmamahal kay Rudy."

Sa panayam ay ipinaalam at binati na rin ng mga host ng Star Talk si Rudy dahil siya ang pinarangalan na “Natatanging Artista" award ng PMPC Star Awards.

Taglay ni Rudy ang sakit na periampullary cancer at sumasailalim siya sa Rexin-G therapy

Katrina Halili may tampo sa GMAAC?

Katrina Halili
Ipinagdiinan ni Katrina Halili na mas nauna siyang tumanggi na pumirma
ng kontrata sa GMA Artist Center. Hindi raw totoo na naimpluwensiyahan
lang siya ni Cristine, na lumipat na ngayon sa ABS-CBN.

"Hindi naman totoo na naimpluwensyahan ako ni Cristine kaya hindi na
ako pumirma ng panibagong kontrata sa Artist Center. Mas nauna talaga
ako sa kanya, kasi two years ago pa, ayaw ko na talagang pumirma.

"Actually, kahit kay Angel Locsin, mas nauna ako na umayaw sa pagpirma
sa Artista Center. Noon pa, gusto ko na talagang umalis.
"Ayoko po kasi nung minamanduhan at sinasabihan ako ng kung anu-ano.
At saka, binu-book nila ako kahit ayaw ko naman, na parang hindi ka
puwedeng tumanggi, na parang wala kang pahinga.

"May mga ibinigay sila sa akin na ayaw ko talaga. Like `yung isang
movie na pinag-go see nila ako. Hindi ko talaga ginalingan ang acting
ko para hindi ako makuha. Kasi nga ayoko nung
project na `yon.

"May mga nagsasabi na maarte raw ako o mapili ako sa trabaho. Hindi ko
sinasabing ang Artist Center ang nagpapalabas ng kuwento na `yon.
Pero, masakit kasi `yon sa akin.

"Kaya para wala na talagang problema, umalis na ako sa kanila.
"Ang hirap kasi ng sitwasyon ko noon. Na kapag may pinapupuntahan sila
sa akin, na hindi ako makahindi, tapos hindi mo alam kung ano ang
gagawin mo. Nakakapagod na rin pong mag-explain palagi.

"Kaya nga nung wala akong show noon, nagpahinga talaga ako. Hindi ako
tumanggap ng booking. In-enjoy ko talaga ang bakasyon ko.
"Pero in fairness naman with them, hindi naman nila ako pinabayaan,
marami akong booking noon. Napagod lang talaga ako.

"Pero kahit wala naman po ako sa kanila, puwede pa rin nila akong
i-booking or bigyan ng project," sabi ni Katrina.

Si Rommel Gacho ang bagong manager ni Katrina ngayon, at kuntento siya
sa pag-aalaga nito sa kanya.

"At least ngayon, kaming dalawa lang ni Iwa (Moto) ang hina-handle ni
Tatay Rommel.

"Atsaka, kahit naman noong nasa Artist Center pa lang ako, si Tatay
Rommel na ang hinihingian ko ng payo. Kumbaga, maganda ang samahan namin.

"Kay Tatay Rommel, kapag may project na ini-offer sa akin, tinatanong
muna niya ako kung gusto ko. Ini-explain niyang mabuti kung ano `yon.
"So, mas maganda `yon, dahil alam ko kung ano ang gagawin ko…" pahayag
ni Katrina.

Alam ni Katrina na posibleng mag-react o magalit ang Artist Center sa
mga sinabi niya ngayon. Kaya nilinaw agad ni Katrina na wala siyang
intensyong siraan o saktan sila.

Sabi nga ni Katrina, malaki ang utang na loob niya sa Artist Center.

(Rey Pumaloy)

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007