Katrina Halili: The hot girl next door

Katrina Halili is far more than the image she projects on TV and on magazine covers. She reveals that she’s a boring person. “Kahit bigyan mo pa ko ng trip to America, kukunin ko na lang 'yung pera at mag stay na lang ako sa hotel."

One of the hottest ladies in the business doesn’t like to go out at night and prefers to stay home, go on-line and chat with her fans. This also serves as a stress-reliever from her hectic and very tiring schedule. “Mag-iinternet muna ako para sa mga fans ko, to say thank you at para mag promote."

Unlike most celebrities, she doesn’t like shopping. She says she is more of the grocery lover than a clothes buyer. In fact Katrina only shops for stuff that she needs. She wears anything as long as she’s comfortable in it. She likes to wear long skirts, polo shirts and skinny jeans. “Sobrang thankful ako na lumabas siya, yun yung talagang fit sa akin, hindi bagay sa akin yung mga flared."

The former star of hit shows Darna, Majika and Atlantika is often seen on set, dozing off to dreamland. “Natutulog ako pag kailangan, minsan 30 minutes. Pero minsan matagal may time na nakatulog ako ng 8 or 9 hours".

Katrina the Actress

She never dreamt of being an actress even before she entered Starstruck. “Hindi ko talaga hilig to, mahiyain kasi ako. Walang naniniwala sakin kasi madaldal ako, pero mahiyain talaga ako". She never goes to auditions, projects are given to her, she’s always been thankful for all this blessings she’s been receiving. “Na-paka laki ng pa-sasalamat ko sa GMA, kasi di nila ako pinabayaan. From the start, right after Strarstruck di ako nawalan ng show, as in sunod sunod siya."

Katrina also avows that, her shows are her training ground. She thinks of them as workshops, keeping in mind all the things she’s learned from her directors down to her co-stars. Every actor starts at ground zero, Kat is no exception, during her first shows she didn’t know how to act and had difficulty looking through the right camera. “Nung una hindi talaga ako marunong tumingin ng camera ko. Ngayon medjo natututo nako."

Although she plays mostly antagonist roles, she finds it fun because she gets to work with the top leading men of GMA network.

Katrina the Sexy Princess

Voted FHM’s #1 sexiest woman in the Philippines last 2006. Katrina never imagined that she’d make the list or beat Angel Locsin for the top position. “Na shock talaga ako na nanalo ako, kasi si Angel Locsin yung kalaban ko eh".

Knowing that Angel has always been a protagonist in numerous shows, Ket knew that she would most likely win the poll. “Kahit sabihin mo na sexy ang tingin ng tao sa iyo. Iba pa rin yung fans ng Bida eh", she humbly said. She’s thankful that even if she plays kontrabida characters, she still has a lot of supporters.

We asked her about her thoughts regarding young stars like her, doing sexy spreads in magazines and on billboards. “Happy naman ako para sa kanila, Wala naman masama kung mag pose kaming mga wholesome stars, depende yan kasi sa tao kung gusto nilang mag pa bastos, wala naman akong nakikita na bastos sa ginawa ko."


Katrina doesn’t go through special diets or spend time in the gym. She keeps her sexy figure by eating sandwiches and is not used to eating a lot. She also doesn’t eat rice at all, “Ulam lang."

She even brings her own toaster to the set to keep herself from being tempted to indulge in unhealthy snack food. “May oven toaster ako dito (pointing to the toaster beside her), wheat bread and cream cheese. Dalawa (sandwich) lang yung kina-kain ko buong araw."

Katrina Loves...

Being sexy doesn’t necessarily mean that you have men lining-up and professing their undying love for you. Katrina can truly attest to this. Still single at 21, she also admits that she’s never been courted even before she became a famous celebrity. “Hindi pa ko showbiz zero na ko sa love life eh, saka gusto ko naman maligawan." All her past relationships, evolved from being friends with the guy.

Regarding her involvement with Mark Herras, they’ve been good friends since Starstruck. “Hindi dumating sa point na nananliligaw siya," in addition to that they seldom talk due to their tight schedules. So squash those rumors right there!

What's Next for Kat?

“Sa utak ko ngayon, wala pa akong iniisip na ganoon (long term plans). Siguro dahil bata pa ako." She wants to finish school eventually, but does not think it is possible in the near future. “Eenjoy ko lang to, happy ako sa trabaho ko eh."

Her latest endeavor is Lupin, where stars alongside Richard Gutierrez, Rhian Ramos and Ehra Madrigal. Her character and Richard's character are partners in crime. As Ashley, Lupin’s childhood friend, she gets to shoot guns and wear sexy outfits.

Now does that sound boring to you? -

Angel at Robin, na-stranded sa Surigao

NA-STRANDED the other day ang buong cast ng Asian Treasures, sa pangunguna nina Angel Locsin at Robin Padilla, sa Sohotan Cave, Surigao del Norte.

Bangka lang ang nakararating sa nasabing island cave na dalawang oras ang layo sa city. Pero pati ito’y hindi na nakayang pumasok nang biglang mag-high tide sa lugar.

Hindi na tuloy nakauwi ang cast at crew sa hotel na tinutuluyan sa Surigao City. Minabuti nilang matulog sa toldang ginagamit na pahingahan habang nagti-taping.

Sabi ng production manager na si Redgie Magno, nagpadala na ng security forces si Surigao Governor Lyndon Barbers para maprotekhaan ang mga artista at staff sa kuweba.

Kaya paggising ng mga artista, nagulat sila sa rami ng bangkang dumating sa set. ’Yun pala, pagkati ng tubig ay nagsipagsagwanan na ang taga-village na fans nina Angel, Robin, Diana Zubiri, Marky Cielo at Glaiza de Castro patungo sa kuweba para makita sila.

Hanggang Feb. 28 pa tatagal ang 60 stars and staff sa Surigao, dahil sa March 11, tutuloy na sila sa Bangkok, Thailand, para sa dalawang linggong taping.

Nadine Samonte now reaping the fruits of "Super Twins" success

Nadine Samonte is now starting to catch up with StarStruck batchmate Jennylyn Mercado in terms of popularity.
Photo: Noel Orsal

Lumi-level na rin si Nadine Samonte sa kasikatan ng kaniyang ka-partner sa Super Twins na si Jennylyn Mercado.

In Super Twins, Nadine plays Super T, ang superheroine na lumalabas sa singsing ni Tin-Tin, played by Ella Cruz, at si Jennylyn naman si Super S from the magical ring of Sha-Sha, played by Nicole Dulalia.

Bago ang Super Twins, nakapag-primetime na rin naman si Nadine, although as guest star lang—sa Darna ni Angel Locsin. Siya ang gumanap na alter-ego ni Valentina played by Alessandra de Rossi. The other one is the still showing na Bakekang na kinailangan siyang i-pull out in favor of Super Twins. As Lorraine, anak ni Sheryl Cruz playing Valeria, ito rin ang kauna-unahang contravida role niya.

Mas naunang nag-afternoon soap si Nadine and in this aspect, siya rin ang kauna-unahang StarStruck graduate na nagkaroon ng solo soap—two in fact—TAPE Inc.'s Dito Sa Puso Ko and Leya, Ang Pinakamagandang Babae Sa Ilalim Ng Lupa, both opposite Oyo Sotto.

Ngayon, Nadine is reaping the fruits of Super Twins' success this early.

Maraming offers ngayon ang natatanggap ng kaniyang manager na si Jeffrey Gamil this coming elections. Marami rito, hindi niya matatangap dahil sa busy schedule niya for Super Twins and other projects dahil sa special requests ng mga nagbu-book. Gusto kasi nilang mag-endorse si Nadine in her Super T costume dahil kagat na kagat na ito sa audience ngayon.

Hindi naman siyempre mapapayagan ng GMA-7 si Nadine to endorse candidates in her Super Twins costume dahil pagmamay-ari ito ng Kapuso Network.

Nadine, pikon na!

Napipikon na si Nadine Samonte sa mga tsismis na pinuno raw ng mamahaling kasangkapan ng boyfriend niyang si Emerson Chua ang bagong gawa niyang bahay.

Sabi ni Nadine, kaya hindi pa siya nagpapa-house blessing ay dahil hindi pa siya makabili ng ibang mga kagamitan.

"Unfair naman sa akin na matapos kong balikatin ang pagpapagawa ng bahay ko, inaakusahan nila ako na kesyo ibang tao ang bumili ng mga gamit sa bahay.

"Kaya nga ako nagtatrabaho para ako rin mismo ang bumili ng mga gamit ko," say ni Nadine.

Matigas sa kanyang desisyon si Nadine na huwag tumanggap ng anumang mamahaling gamit sa bahay mula sa mga magulang ng kanyang kasintahan. At kahit daw sa boyfriend niya ay hindi siya tatanggap kapag nag-alok ito na bibili ng kagamitan para sa house warming niya.

"Kasi naman, paano kaya ‘yon kapag hindi kami nagkatuluyan? Ibabalik ko kung anuman ang ibinigay niya sa akin? Hindi ba, ang pangit!

"Atsaka ayokong isipin ng mga tao, o kahit na sino sa pamilya ni Emerson na ganu`n ako. Maganda ang treatment nila sa akin, at ayokong sirain ‘yung respeto nila sa akin," saad pa ni Nadine.

Rhian Ramos shines in her debut film

Young actress Rhian Ramos gets favorable reviews for her performance in her debut film.

Sobrang kinakabahan ang young actress na si Rhian Denise Ramos dahil ilang araw na lang ay ipalalabas na ang first movie niya na The Promise ng GMA Films at Regal Entertainment, kung saan bida sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Ginampanan ni Rhian sa The Promise ang papel ni Monique, ang anak-mayaman na may gusto kay Daniel (Richard). Sa Hihintayin Kita Sa Langit (1991)—first Filipino film adaptation ng classic novel na Wuthering Heights na pinagbasehan din ng The Promise—ay ang aktres na si Jackie Lou Blanco ang unang gumanap sa papel ni Rhian, but with a different name.

Richard Gomez and Dawn Zulueta originally played the characters of Richard and Angel, while Eric Quizon was the first one to play TJ Trinidad's character. Hihintayin Kita Sa Langit was directed by Carlitos Siguion Reyna and was produced by Armida Siguion Reyna's Reyna Films.

Nagkataong magkasama sa dating fantaserye na Captain Barbell sina Rhian at Jackie Lou kaya humingi raw ng konting insights ang young actress tungkol sa kanyang role sa character actress bago ang shooting ng The Promise.

Ito ang sinabi ni Rhian sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) before the VIP screening ng The Promise kagabi, February 9, sa Podium.

Kuwento ni Rhian, "When I found out that Tita Jackie was the one who played my role before, I had to interview her and get a few advices on how to attack the role. It's a good thing na magkasama kami sa Captain Barbell kaya she really shared a few things with me."

Dagdag pa niya, "With what she said and a one-day acting workshop, I was able to develop the character I was given, pero sa sarili ko nang interpretation. It was an overwhelming experience and I had to also thank Direk Mike Tuviera for supporting me through all this."

Ayon pa kay Rhian, pakiramdam niya ay destiny niya raw talagang gampanan ang naging role ni Jackie Lou sa Hihintayin Kita Sa Langit.

"It all connected talaga," sabi niya. "First, magkasama kami sa Captain Barbell. Pangalawa, I portrayed the role she originally played here in The Promise. And pangatlo, she will play na my mother in my next movie Ouija Board. Kaya me and Tita Jackie, in some strange way, destined kaming to work together talaga."

(Ang Ouija Board ay ang pelikulang pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal para sa GMA Films.)

Nilinaw rin ni Rhian ang lumabas na balita na ang The Promise ang ipinagpalit niya sa dapat sana'y unang movie niya na Super Noypi, kung saan ang pumalit sa kanyang role ay si Sandara Park.

"What happened kasi with Super Noypi is nagkaroon ng conflict with my schedules. Kasi I was still taping for Captain Barbell that time. I had to drop out of the cast kasi nga nahirapan silang ayusin talaga, because I was practically taping every day. Itong The Promise came later na kaya hindi ito ang naging reason," paliwanag niya.

Wish ni Rhian na sana ay magustuhan ng mga manonood ang kanyang performance sa The Promise. At base sa reaksiyon pagkatapos ng VIP screening ng nasabing pelikula kagabi, marami ang nakapansin sa husay sa pag-arte ni Rhian. Sinasabing Rhian has all the makings of being the next most important star.

Susunod na mapapanood si Rhian sa action-adventure series ng GMA-7 na Lupin, kung saan makakasama na naman niya si Richard Gutierrez.


Jennylyn, Nadine parehong `di type ni Dennis Trillo

AYAW talagang paawat ang alaga ni Popoy Caricativo na si Dennis Trillo. Hindi pa man natatapos ang ibang proyekto niya sa GMA-7 ay may kasunod na agad. One after the other ang mga proyektong nasasalihan niya sa Kapuso Network, kumpara noong nasa kabilang istasyon pa siya.

Hindi lumilipas ang isang lingo o isang buwan na wala siyang ginagawa. Pero nang mapalipat siya sa GMA, jingle lang ang naging pahinga niya.

“Ibang klaseng mag-alaga ng kanilang talents ang Kapuso,” panimula ni Dennis nang makausap namin sa bago niyang fantaserye titled Super Twins.

“Sobrang maasikaso sila, talagang hindi ka nila lulubayan at bubusugin ka nila sa trabahong ibibigay sa ‘yo. Imagine, for the whole year of 2006, ang dami nilang trabahong ibinigay sa akin. Tinambakan ako ng mga teleserye, magmula sa Majica at iba pang proyekto na halos hindi ko matandaan sa rami.

“Idagdag pa riyan ang iba’t ibang guesting in different programs na halos wala talaga akong pahinga. But I have no regrets naman dahil trabaho ito.

“Hanggang sa pagpasok ng taong 2007 ay ratsada pa rin ang career ko. But this year, pinaka-the-best na trabahong ibinigay nila sa akin ay itong Super Twins. Lahat na yata ng pag-a-aksiyon ginawa ko rito. Talagang enjoy ako sa aking mga eksena rito.

“This is a super-dobleng drama, dobleng pakikipagsapalaran at dobleng kasiyahan ang drama-action adventure na ito na kung saan ako ang pinakabida with my two leading ladies, Jennylyn Mercado and Nadine Samonte.”

Bukod na pinagpala si Dennis.

Palibhasa mabait na bata sa kanyang manager na si Popoy at sa buong management ng GMA-7 na pinamumunuan ng pinaka-big boss nila sa entertainment na si Ms. Wilma Galvante kung kaya patuloy na sinusuwerte ang isang Dennis Trillo.

Laging good karma ang poging actor.

Kahit parang makina siya sa pagtatrabaho’y wala siyang tutol dahil katwiran niya: “Mahirap magtampo ang suwerte, minsan lang itong dumating at sasamantalahin ko na ang pagkakataon. Okey lang na mahirapan ako, maganda naman ang kapalit nito!”

Dati’y si Angel Locsin lamang nag-iisang inspirasyon niya sa mga nakalipas niyang teleserye, pero ngayon dalawang naggagandahang chicks ang kanyang kapareha sa Super Twins -- sina Jennylyn at Nadine.

Tinanong namin si Dennis kung sino sa dalawang ito ang malapit sa kanya?

Kung sino sa mga ito ang crush niya? Kasabi-sabi ba naman ni Dennis: “Expected ko nang itatanong ‘yan sa akin, dahil noong kami pa ni Angel ang magkasama, tinanong rin ako kung type ko raw ba si Angel? Ngayon sina Jenny at Nadine naman ang isyu?

“Well, ayokong haluan ng ligawan ang pagsasama namin, trabaho lang kami at walang personalan. Ang totoo n’yan, sino man kina Jennylyn at Nadine ay wala akong type, dahil alam kong pareho na silang taken! Saka meron na rin ako, taken na rin ako!” nakangiting pagtatapos ni Dennis na sinabayan ng malakas na tawa.

Dennis Trillo still has feelings for Angel Locsin

All's well that ends well between Dennis and Mother Lily.

Maganda ang naging pagsisimula ng taon para sa young actor na si Dennis Trillo. Nauna na itong nakipagbati ni Mother Lily Monteverde noong January 24 sa Imperial Palace Suites.

Bago kasi natapos ang 2006 ay nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Dennis, ang manager nitong si Popoy Caritativo at si Mother Lily nang hindi matuloy ang paglabas ng young actor sa Mano Po 5. Ang buong-akala kasi nina Dennis at Popoy ay si Dennis ang magiging kapareha ni Angel Locsin sa 2006 Metro Manila Film Festival entry, pero nagulat sila nang ibigay ni Mother Lily ang role kay Richard Gutierrez.

Noong January 24 ay sinorpresa nina Dennis at Popoy si Mother Lily sa Imperial Palace Suites, na pag-aari ng Regal matriarch. Kasama noon ni Mother Lily ang kanyang Wednesday Club (isang grupo na binubuo ng mga iba't ibang tao mula sa entertainment industry). Nagkataon namang nagpapamasahe si Mother Lily nang dumating sina Dennis at Popoy kaya hindi agad nakita ng nakadapang movie producer ang dalawa. Nilapitan at binigyan ng mga bulaklak ni Dennis si Mother Lily bilang hudyat ng pakikipag-ayos niya rito.

"Love ko naman talaga si Mother [Lily] ever since dahil ang laki talaga ng utang na loob namin sa kanya. Isa siya sa mga nagbigay ng malalaking breaks sa akin sa pelikula," pahayag ni Dennis sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Super Twins last February 5.

(Ang kauna-unahang pelikula ni Dennis ay ang Aishite Imasu noong 2004 na nagbigay kay Dennis ng maraming acting awards.)

Paliwanag ni Dennis, "Kaya naman kami nanahimik din ng ganung katagal dahil sa sobrang pagmamahal namin sa kanya. Ayaw naming magsalita anything against her. So pinalipas namin lahat hanggang sa dumating yung [tamang] panahon. Tampuhan lang yun ng anak at ina."

Dagdag pa niya, "Kahit anong tampuhan naman talaga, hindi mo naman kailangang patagalin. Meron ding pagkakaintindihan. Kailangang simulan nating fresh yung taon. Mahirap magtrabaho na mayroon kang hinanakit na nararamdaman."

Sa ngayon ay inihahanda na ni Mother Lily ang susunod na pelikula ni Dennis sa Regal Entertainment.


VALENTINE'S DAY. Bagama't malapit na ang Valentine's day, wala pa raw plano si Dennis.

"Valentine's ko? Hindi pa malinaw ngayon dahil puro trabaho talaga, lalo na magsisimula na yung Super Twins. Kung malibre... Pero kung abutan ako ng Valentine's sa trabaho, okay lang din," sabi ni Dennis, na napakatahimik pagdating sa kanyang pribadong buhay. Ngunit bulung-bulungan sa apat na sulok ng showbiz na si Dennis at ang Bb. Pilipinas World 2005 na si Carlene Aguilar pa rin hanggang ngayon.

ANGEL LOCSIN. Ngayong single ulit si Angel Locsin pagkatapos makipaghiwalay sa boyfriend nitong si Oyo Sotto, tinanong si Dennis kung may balak ba siyang ituloy ang panliligaw kay Angel. Matatandaang habang ginagawa nila noon ang Mulawin ay nagkaroon ng "mutual understanding" sina Dennis at Angel, ngunit hindi rin ito nagbunga ng mas malalim na relasyon.

"Ayoko namang makialam. Kahit papaano, kaibigan ko si Oyo. Ayokong manghimasok kaagad. Sa ngayon, ayokong pumasok sa sitwasyon na hindi ko kayang i-handle e," safe na sagot ni Dennis.

Pagpapatuloy pa niya, "Ayoko namang pilitin, 'di ba? Hindi ko pa masasabi. ‘Pag nagkaroon na lang ng pagkakataon. Sobrang busy kasi siya [Angel]."

May nararamdaman pa ba siya kay Angel?


"Siyempre naman," pag-amin ni Dennis. "Kasi kahit na hindi umubra yung sa amin noon, ang magandang nangyari dun—na-develop yung rapport namin, at the same time, yung pagkakaibigan namin—kaya walang problema dun."

Bukod sa Mulawin ay nagtambal din sina Dennis at Angel sa mga fantaserye ng GMA-7 na Darna at Majika, at sa horror flick na TXT.

Sa Super Twins naman, na magsisimula sa February 12, ay ginagampanan ni Dennis ang papel ni Eliseo na siyang magiging mentor ng mga batang sina Sha-sha (Nicole Dulalia) at Tin-Tin (Ella Cruz). Kasama ni Dennis dito sina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Patrick Garcia, Camille Prats, Bianca King, Tanya Garcia, Marian Rivera, at marami pang iba.

Nadine wants to end silent cold war with Angel

Nadine Samonte is now ready to reconcile with Angel Locsin
After years of not talking to each other because of Oyo Sotto, Angel Locsin and Nadine Samonte may start a new friendship.

Handa na raw makipag-usap si Nadine Samonte kay Angel Locsin ngayong hiwalay na ang huli kay Oyo Sotto.

Parehong in the limelight ang dalawang magandang Kapuso young stars because of several big projects.

Nangunguna ngayon sa primetime soaps ang pinakabagong show na Asian Treasures ni Angel opposite Robin Padilla. Ipalalabas na rin ang kanyang Valentine movie with Richard Gutierrez, ang The Promise ng GMA Films and Regal Films, from the direction of Mike Tuviera.

Si Nadine naman ay kasama sa season one ng Magic Kamison, kung saan sila nina Iwa Moto at Alfred Vargas ang nakatakdang tulungan ng magic kamison ni Chuchay (played by Gladys Guevarra).

Mawawala na rin si Lorraine, ang character ni Nadine sa toprating soap na Bakekang, dahil kukunin na siya ng kanyang tunay na ama (Romnick Sarmenta) away from her mother (Sheryl Cruz) para pumunta ng States. Kailangan itong gawin sa kanyang character dahil magsisimula na ang fantasy soap nila nina Jennylyn Mercado, Camille Prats, Patrick Garcia, at Dennis Trillo na Super Twins.

Si Oyo ang naging koneksiyon nina Angel at Nadine noon. After mag-split up sina Nadine and Oyo—na matagal ding nagtago sa press ng kanilang relasyon at late na nang umamin—naging sina Angel at Oyo naman.

Wala mang nagsalita, halatang may silent cold war sina Angel at Nadine. Ito ay lalong nahalata nang magsama sila sa Darna, kung saan si Angel ang gumanap na Darna/Narda at si Nadine naman ang naging different character ni Valentina—originally played by Alessandra de Rossi, na incidentally ay another ex of Oyo.

Matagal na hindi nag-usap o nagpansinan sina Angel at Nadine maliban sa hi at hello. Kahit noon sa Darna, balitang sa eksena lang sila nag-uusap at pagkatapos ng tape ay kanya-kanya na sila.

Recently, nakipag-split si Angel kay Oyo dahil sa "lack of time." Nabalitaan ito ni Nadine at nakisimpatiya siya kay Angel dahil kahit siya, inisip na rin na sina Angel at Oyo na habambuhay.

Ngayon, si Nadine ang nagbabalak na isang araw ay siya mismo ang lalapit kay Angel para makipag-usap sa mga bagay-bagay. Nalaman ito ni Angel at natuwa. At least daw, kung may isa mang relasyon na nagtapos, malamang na isang bagong relasyon ng pagkakaibigan ang magsisimula.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007