Kris Lawrence on Elmo Magalona

Billy Crawford, Jay R, Kris Lawrence, Philippine King Of Rap, Francis Magalona, Elmo Magalona, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, GMA-7,

Kris Lawrence on Elmo Magalona: "Nakuha niya yung galing ng daddy [Francis M] niyang mag-rap at kumanta, napaka-talented na bata!"

Mula sa pagiging magkaibigan ay nagsanib na sa iisang negosyo ang tatlong sikat na mangaawit ng bansa na sina Billy Crawford, Jay R, at Kris Lawrence.



Binuo nila ang "3 Stars Productions," kung saan ang kanilang hangarin daw ay magbigay ng pagkakataong magkaroon ng sariling record album ang mga Pinoy na may angking talino sa pag awit.



At para sa kanilang unang proyekto, ipo-produce nila ang album ni Elmo Magalona, ang anak ng yumaong Philippine King Of Rap Francis Magalona.



Sabi ni Kris Lawrence nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa gazebo ng GMA network nung September 24, balak nilang i-release ang album bago matapos ang taon o early next year.



Pero bukod daw sa album ni Elmo ay magkakaroon din ng sari-sariling album sina Billy at Jay R sa 3 Stars Productions.



Pagsisiwalat ng mahusay na singer, "Bale ang magiging unang album na gagawin namin ay ang album ni Elmo. Sobrang galing kasi ng batang yan, kaya kami nina Jay R at Billy, sobrang suporta talaga sa magiging album ni Elmo.



"Isa sa kantang nakapaloob sa album ni Elmo, kasama kaming tatlo, pero all in all siguro mga 12 songs ang magiging laman ng album ni Elmo."



Sa ngayon ba ilang kanta na yung nare-record ni Elmo?



"Isa pa lang yung kasama kaming tatlo, medyo busy kasi ang schedule ni Elmo, pero hopefully makakakuha rin kami ng time para mai-record niya yung mga songs sa kanyang 1st album."



Ano ang magiging laman ng album ni Elmo?



"Variety—may rap, ballad, at dance, para iba-ibang flavor—pero ako na ang magsasabi sa 'yo na ang galing mag-rap ni Elmo.



"Tsaka, katulad ng daddy [Francis M.], ang galing-galing din ni Elmo. Nakuha niya yung galing ng daddy niyang mag-rap at kumanta, napaka-talented na bata!"



Kailan ilalabas ang album ni Elmo?



"Siguro bago matapos ang taon o kaya early next year. Masyado kasing busy si Elmo, kaya hindi pa siya masyadong makapag-record ng mga songs para sa kanyang album. Sobrang dami kasi ng show niya."



Wala ba kayong balak nina Billy at Jay R mag-record ng album sa sarili niyong 3 Stars Productions?



"Defintely meron! May kanya-kanyang album din kami nila Billy at Jay R. Bale sabay-sabay naming ilalabas yung mga album namin kasabay ng album ni Elmo."



Anong reason ninyo nila Billy at Jay R at nagtayo kayo ng sarili ninyong Production?



"Simple lang. We just want to record our own album, na lahat gusto namin yung kanta at konsepto. Kasi pag under ka ng isang recording company, kung ano yung gusto nilang ipakanta sa'yo, yun ang kakantahin mo.



"Magkaroon ka man ng gustong kanta, ilan lang yun, pero mas marami pa ring kanta ang sila ang nagdesisyon. Pag sinabi nilang revival ang kantahin mo, wala kang choice kung hindi gawin mo yun.



"Minsan kasi nawawala na yung pagiging artistic mo, kasi sila na talaga ang nasusunod sa lahat. Pero this time, kami yung masusunod kung anong kanta, konsepto ng album ang gusto naming ilabas.



"At least dito sa Productions namin, mailalabas namin yung mga nakatagong artistic side namin—at sigurado kami na gusto namin kung ano man ang album na gusto naming ilabas.

"Minsan kasi, parang gusto mo ring makawala sa paulit-ulit mo nang ginagawa, kaya nga gusto naming mag-eksperemento ng bago, para iba naman."



Dagdag pa ni Kris, maghahanap din daw sila ng mga potential singers/rappers sa bansa na ipagpo-produce nila ng album at para maging part ng kanilang produksiyon.



Ang pagtulong daw nila sa mga Pinoy artists ang paraan nila para pasalamatan ang Diyos sa dami ng suwerteng dumarating sa kanilang tatlo.



"Actually, kaya namin 'tinatag yung 3 Stars Productions, kasi para rin makatulong sa mga baguhang Pinoy artists na may galing sa pagkanta o pag-rap at nangangarap na magkaroon ng sariling album.



"Dito kasi sa Pilipinas alam naman natin na mahirap magka-album kahi't na magaling ka. Kailangan mo ring mamuhunan, kaya nga nandito kami para magbigay at magbukas ng pinto sa mga talented Pinoy.



"Yun bale ang balak namin, habang tinatapos namin yung kanya-kanya naming album, hahanap kami ng mga talented Pinoy at bibigyan namin ng chance na magkaroon ng sarili nilang album.



"Tsaka, ito na rin ang tanging paraan namin para ibalik sa Diyos ang pasasalamat sa magagandang bagay na ibinibigay niya sa amin—ang pagtulong naman sa mga baguhan."

by: John Fontanilla

Source: Pep.ph

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007